'Di raw makapaniwala dahil super crush ang aktor…

BEA, UMAMING KILIG NA KILIG NANG MAG-VOICE MESSAGE SA KANYA SI ECHO
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 1, 2021

‘Kaaliw ang latest vlog ni Bea Alonzo sa kanyang YouTube channel dahil Ginoogle raw niya ang sarili at tiningnan kung ano ang most searched questions about her. Isa-isa niya itong sinagot sa nasabing vlog.
Of course, hindi mawawala ang questions about her personal life kung kasal na ba siya, ikakasal na ba, etcetera. May tanong din kung may anak na ba siya, would you believe?
On getting married aniya, “Hindi pa, wish ko lang, pero hindi pa. Sana in the near future. Ba’t ba kayo nagmamadali? May taxi ba sa labas? Hindi pa.”
Isa rin sa mga parating itinatanong ng mga tao kay Bea ay kung sila ba or naging sila ba ni Derek Ramsay at kung ikakasal na sila na ipinagtataka ng aktres kung saan galing.
“'Yung biyenan ng kapatid ko, si Ate Len (asawa ni Bayani Agbayani), tinanong niya pagdating namin sa farm kung totoo bang ikakasal na kami ni Derek at kung totoong kami ni Derek. Talagang ako, ‘Ha?’” aniya.
“No, we are not dating and we are not getting married,” natatawang sey ni Bea.
Siyempre, isa sa most-searched topics about her ay ang tandem nila ni John Lloyd Cruz. Pero bitin ang sagot niya sa tanong na “Did Bea and John Lloyd date?”
Patanong din niyang sagot, “Did we?”
Isa pa sa most-searched ay ang topic na “Bea Alonzo-Jericho Rosales”. Sabi ni Bea tungkol dito, “Yes, crush ko siya, crush ko talaga siya.”
Kinikilig pa niyang kuwento, nag-DM (direct message) daw si Echo sa kanya dahil gusto ng aktor na mag-pitch ng new project sa kanya.
“Sobrang hindi ako makapaniwala. Friends naman kami, kaya lang, hindi ako makapaniwala. Akala ko, poser siya. Sinabi ko sa RM (road manager) na RM niya rin dati, sinabi ko na hindi puwedeng si Jericho ‘yun.
“Tapos, biglang nag-voice message siya sa ‘kin sa WhatsApp, kilig na kilig ako kasi siya pala talaga ‘yun. Fangirling!” kinikilig na kuwento ni Bea.
Anyway, naibalita ni Bea ang mga gagawin niyang projects for this year na tatlong pelikula.
“This year, I will be doing a movie with Alden Richards and I will be doing a movie with John Lloyd Cruz and another one with Erik Matti. So watch out for that,” ani Bea.





Comments