top of page
Search
  • BULGAR

'Di raw makapag-work 'pag may love life… RABIYA, MAY ATTITUDE KAYA PINALITAN NI HERLENE SA SHOW

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 12, 2024



Showbiz Photo

Maraming viewers ang nagtatanong kung bakit nawala sa programang TikToClock ang beauty queen na si Rabiya Mateo. Ang ipinalit sa kanya ay ang comedienne na si Herlene Budol. 


Ibig bang sabihin nito ay mas malakas ang karisma ni Hipon Girl kesa kay Rabiya?


May bali-balita rin na may attitude itong si Rabiya kaya hindi nagtagal sa TikToClock. At nadi-distract daw si Rabiya kapag may love life, hindi makapag-concentrate sa kanyang trabaho. 


Kaya nanghihinayang ang mga kaibigan ni Rabiya dahil marami siyang oportunidad na pinalalampas. Dapat ay naging professional siya sa trabaho nang binigyan ng GMA-7 ng magandang exposure.


Napansin din si Rabiya sa Royal Blood bilang love interest ni Dingdong Dantes. Mas lalaki pa sana ang kanyang pangalan kung ginalingan ni Rabiya Mateo ang pagho-host ng TikToClock. At plus factor sa isang beauty queen na tulad ni Rabiya kung marunong siyang mag-host bukod sa marunong ding umarte at sumayaw. Tiyak na hindi siya mababakante sa trabaho.


 

Certified loyalista pareho sina Imelda Papin at Elizabeth Oropesa dahil open sila sa kanilang pagsuporta sa pamilyang Marcos. 


Hindi nila ikinahihiya ang pagiging Marcos loyalist dahil si Imelda Papin, nu’ng height ng kanyang kasikatan ay naging paborito siya ni Madame First Lady Imelda Marcos. Kaya madalas na nagiging bahagi si Papin ng mga pagtitipon noon sa Malacañang.


At nu'ng yumao ang dating Pangulong  Ferdinand Marcos sa Hawaii, sumama si  Papin upang bigyan ng moral support ang pamilyang Marcos. Iniwan ni Papin ang kanyang singing career sa ‘Pinas. 


Kaya naman nang maluklok na pangulo si Bongbong Marcos, marami ang nagsasabing tiyak na  mabibigyan ng posisyon ang dating Jukebox Queen at ‘yun nga, nakapuwesto ngayon si Papin sa PCSO bilang isa sa mga directors. 


Dito itinutuon ni Papin ang pagtulong sa mga nangangailangan ng medical assistance na tinawag niyang “Isang Linggong Serbisyo”. 


Samantala, marami ang nagtatanong kung papaano na si Elizabeth na isa ring true blooded loyalista? Mabibigyan din ba siya ng puwesto sa gobyerno tulad ni Papin?


Well, ayon sa kuwento ni Imelda Papin, tinawagan siya at binati ni Elizabeth Oropesa nang ma-appoint siya sa PCSO.


Maaaring nagtampo lang daw si La Oro noon sa pamilya Marcos pero hindi naman ito tuluyang bumitaw bilang Marcos loyalist.


 

AYAW ni Carmi Martin na mabansagang matandang dalaga. Ini-enjoy lang daw niya ang pagiging single ngayon. Tanging ang kanyang mga fur babies ang kasa-kasama at nagpapasaya sa kanya. 


Sa vlog ni Ogie Diaz ay inamin ni Carmi Martin na choosy siya sa mga manliligaw. Marami namang guwapong suitors noon si Carmi at noon pa, lagi niyang sinasabi na ang lalaking gusto niyang mapangasawa ay mayaman at matalino. 


Nagkaroon din siya ng karelasyong ambassador, pero hindi sila nagkasundo sa maraming bagay. 


Naging boyfriend din ni Carmi ang guwapong newscaster-TV personality na si Apa Ongpin, pero ayaw daw ng pamilya nito sa kanya. 


Gusto ng actress na magkaroon ng anak pero ayaw niyang mag-adopt. Open naman si Carmi kung sakaling may darating na guy na handa siyang mahalin at pakasalan. Pero ayaw niya ng bata sa kanya, ayaw din niya ng oldies na mister. 


For now, wala namang regrets si Carmi Martin kung hindi man siya nagpakasal at nagkaroon ng anak. Tanggap na niya na mananatili siyang single. At least, may career siyang pinagkakaabalahan.


 

MATAGAL na nakatrabaho noon sa sitcom na Home Along Da Riles ni Cita Astals ang yumaong Comedy King na si Dolphy, kaya marami siyang anekdota at kuwento sa buhay ni Pidol. 


Likas daw na tahimik sa set si Dolphy, pero sweet sa mga co-stars niyang babae. Kaya naman mahal na mahal ang aktor nina Nova Villa, Cita Astals, Maricel Soriano atbp.. 


Palagay daw ang loob ni Dolphy kaya nakakapagkuwento siya tungkol sa kanyang love life. Isa sa mga nai-share ng yumaong Comedy King ay tungkol sa kontrobersiyal na love story nila noon ni Zsa Zsa Padilla na maraming nagalit. 


Iniwanan kasi nito si Alma Moreno nang dahil kay Zsa Zsa. Naging kontrabida si Zsa Zsa sa mata ng publiko at naapektuhan din ang career ni Dolphy, kaya minabuti nilang manirahan na sa USA. 


At that time, sinabihan na raw ng aktor si Zsa Zsa na iwanan na siya upang ‘wag madamay sa galit ng publiko at mahina na rin ang kita noon ni Dolphy. Pero hindi iniwan ni Zsa Zsa si Dolphy at ipinaglaban ang kanilang relasyon. 


Pagkaraan ng ilang taon ay bumalik sa ‘Pinas si Dolphy at nakabawi sa kanyang career.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page