'Di raw magpa-file ng annulment… “HINDI PO KAMI KASAL, BUTI NA LANG” — POKWANG
- BULGAR
- Feb 7, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 7, 2023

Hindi pa rin tapos ang isyu ni Pokwang at ng ex niyang si Lee O’Brian at nakakatuwang hindi inaatrasan ni Pokwang ang mga comments na parang iniinis siya at natutuwa na hiwalay siya sa ama ng kanyang anak.
May nag-comment na mukhang nag-file na si Pokwang ng annulment na agad sinagot ng komedyana, “Hindi po kami kasal, buti na lang.”
May mga pumuri kay Pokwang na hindi siya nagpakasal, at may nagpayo naman na tama na at ‘wag na niyang patulan ang mga comments lalo na kung galing sa kanyang mga bashers.
Kaya asahan nating may mga susunod pa sa isyung ito lalo’t hindi pa nagsasalita si Lee.
Welcome raw siya sa Fast Talk with Boy Abunda kaya hintayin natin ‘yun.





Comments