‘Di raw lahat ng alahas, bigay ng madir ni Richard… “MAY PAMBILI NAMAN AKO” — BARBIE
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | March 29, 2026

Photo: Barbie Imperial via Bulgar Interview
Sobrang agaw-pansin ang mga suot na diamond jewelries ni Barbie Imperial sa grand mediacon ng Kapamilya serye na Blood vs. Duty (BVD).
Inusisa namin si Barbie kung saan galing ang suot niya na mga alahas after the Q&A portion. Duda namin ay galing kay Annabelle Rama ang suot niya na mga alahas.
“‘Yung iba po ibigay n’ya. Like ito po, bigay n’ya,” sabay hawak ni Barbie sa suot niya na diamond earrings.
Tanong pa namin kay Barbie kung alin naman ang alahas na suot niya na bigay naman sa kanya ng boyfriend niya na si Richard Gutierrez.
“Secret,” sagot ni Barbie na pagka-tamis-tamis.
Inurirat na rin namin kay Barbie kung sino naman ang nagbigay sa kanya ng bonggacious na diamond necklace niya.
“Ay, akin naman po ‘to. May pambili naman ako,” kasunod ang tawa ni Barbie.
Kinabog ni Barbie sa mga pa-alahas niya sa katawan ang isa pang female lead sa BVD na si Bela Padilla.
Ito ang first team-up nina Gerald Anderson at Richard sa isang teleserye.
Kitang-kita sa aura ng mukha ni Richard na sobrang inspired at happy ang aktor ngayon. Of course, dahil yan kay Barbie.
In the same manner, sobrang inspired din si Barbie dahil kay Richard.
Pahayag ni Barbie, “Uh, siguro po kasi si Richard po kasi marami na s’yang experience sa action. Sobrang suwerte ko lang din po palagi kaming magkasama. Kung ano ‘yung mga kailangan kong gawin, ginagabayan n’ya ako.”
Magsisimula ang Blood vs. Duty sa April 3 on Netflix, April 4 on iWant, and April 6 on free TV (All TV2, Kapamilya Channel, A2Z, and Kapamilya Online Live). via MJ Felipe, ABS-CBN News.
RUNAWAY winner ang Visayan film na Pinikas sa 8th Sinag Maynila Independent Film Festival Gabi ng Parangal na ginanap kagabi.
Pito ang nakuhang awards ng Pinikas, kabilang ang Best Picture, Best Director,
Best Screenplay, Best Musical Score, Best Editing, Best Actor and Best Actress.
Second big winner ang pelikula ni Vince Tan̈ada na Ang Bangkay na nag-uwi ng Best Production Design, Best Cinematography, People’s Choice Award at Best Supporting Actress.
Nasungkit naman ni Yasser Marta ang Best Supporting Actor para sa Desperada, at Best Sound ang Sweet Escape.
Towards the end of the awards night ay in-announce ni Direk Brillante Mendoza, ang Festival Director ng Sinag Maynila, na extended ang pagpapalabas ng mga pelikulang kasali sa film festival hanggang April 1, Thursday.
Kaya may chance pa na mapanood ang mga nanalo at iba pang entries sa 2026 Sinag Maynila until next week.
Congrats to all the winners!




Comments