top of page

'Di raw komportable… ROMNICK, ATRAS SA KISSING AT BED SCENES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 10, 2023
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 10, 2023




Iisa ang sinasabi ng mga nakapanood ng pelikulang About Us But Not About Us nina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas mula sa panulat at direksiyon ni Jun Robles Lana. Ito ay ang malakas ang laban nila sa kategoryang Best Actor.


Gaganapin ang awards night ng 1st Summer Metro Manila Film Festival bukas, Martes, sa New Frontier Theater sa ganap na 7 PM.


Muli naming pinanood ang pelikula nitong Sabado, Abril 8, sa Gateway Cinema 8 at nakakagulat dahil sa walong entries ng SMMFF ay nangunguna ang Here Comes the Groom at sinundan ng About Us But Not About Us.


Ang ibang pelikula ay nasa lima hanggang anim ang tao sa loob ng sinehan na marahil ay nasa bakasyon pa ang iba at hoping na dinagsa ito kahapon (Linggo), at itong mga darating na araw.


Base sa mga narinig naming kuwentuhan ng mga nakapanood paglabas ng sinehan ay wala silang masilip na butas sa kuwento.


Perfect ang pagkakasulat at pagkakadirek ni Jun Lana, na isinulat niya sa loob ng tatlong araw, sabi ng IdeaFirst producer and director na si Perci M. Intalan.


Habang nasa early dinner kami kasama ang ilang editors na miyembro ng SPEED ay dumating si Romnick at napangiti ito sa mga papuri sa kanya ng lahat.


Posible silang magtabla ni Elijah sa pagka-Best Actor bukas sa awards night.


Ngumiti ang aktor, pero para sa kanya ay hindi award ang habol niya.


"Hindi naman talaga ako 'yung tipo na gumagawa ng pelikula para magka-award. Kung bibigyan, salamat sa Diyos, pero kung hindi, salamat pa rin. Kung ano ang gusto Niya, okay na okay sa akin," paliwanag ni Romnick.


Dagdag pa niya, "Pero nagpapasalamat ako sa lahat ng nananalangin at sa lahat ng nagsasabi at nagpe-predict (na mananalo siyang Best Actor). That for me is already a big honor na. Para sa akin, ang pinakamalaking achievement na siguro, 'yung well-received 'yung pelikula mo, hindi lang dito sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa.”


Nanalo na ang About Us But Not About Us sa Critic's Pick competition sa nakaraang 26th Tallinn Black Nights Film Festival noong Nobyembre, 2022 sa Estonia, Northern Europe.


Napansin ding napakaganda ng bitaw nina Romnick at Elijah ng mga English lines nila.


"Bago kami mag-take, uulit-ulitin ko, lalo na 'yung mga English lines. Usually, ang conversation naman sa English ay hindi grammatically correct, 'di ba? Eh, dahil English professor siya (karakter ni Romnick), tapos very strict 'yung mga words ng dialogue dahil mayroon silang ibig sabihin, may personal meaning for the writer and director, minsan, before the take, nagkakamali ako, uulitin namin.


"May mga itinama rin kami during the taping kasi hindi malinaw, dahil kapag conversation, hindi naman kasing-enunciated ng instructions ng English. So, nililinaw namin sa dub. May mga ilang parts kaming dinub para mas malinaw 'yung English, para mas malinis 'yung mga bitaw," kuwento pa ng aktor.


Samantala, sa 46 years ni Romnick sa showbiz industry ay inamin nitong umiiwas siya sa mga kissing scenes at bed scenes dahil wala naman daw mawawala sa kanya, pero ang inaalala niya ay ang kapareha niya.


May ginawang rape scene noon ang aktor sa Calvento Files na si Laurenti Dyogi ang direktor na hindi niya kaagad nabasa ang script dahil for some reason ay hindi ito naihatid sa bahay niya, on the day of the shoot na niya ito nabasa at hindi na siya nakaatras.


Kaagad niyang kinausap si Direk Lauren at tinanong niya kung kayang wala ang rape scene, pero kailangan daw kaya nakiusap na lang si Romnick na kausapin si Via Veloso na rape victim at ipaliwanang kung bakit kailangan itong gawin.


Habang isinu-shoot ang nasabing eksena ay nasa tabi nila ang direktor at sinasabi kung ano ang mga dapat pang gawin. Nagawa naman ito nang maayos at naging maganda naman ang kinalabasan.


Bakit ganito ang conviction ng aktor, "Personally, hindi ako komportable. Ayokong may masasabi ang kaeksena ko. Pangalawa, sometimes, hindi kailangang ipakita nang actual, in my own perspective. There are so many ways na puwedeng ipakita in a very symbolic manner."


Sa tanong kung saan nanggagaling ang ganitong paniniwala ni Romnick at kung may kinalaman ba ito sa relihiyon, "I guess, part of it. I was born Catholic, I studied in a Catholic school, but a lot of it comes from me. Normal decency of treating actresses with equal or more than the actors.


Of course, lahat naman equal, pero mas may mawawala sa kanila kaysa sa akin. I’m not sure if I’m old school, I think, I’m just being me," natatawang paliwanag ng aktor.


At inamin din ni Romnick na picky siya sa mga tinatanggap na roles dahil nga umiiwas siya sa mga eksenang sa tingin niya ay taliwas sa kanyang paniniwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page