'Di raw kinuhang VP ni Digong…
- BULGAR

- Aug 9, 2020
- 3 min read
ROBIN KAY SEN. TRILLANES: 'DI KA LANG NAPAGBIGYAN, PARA KANG BATANG NAGNGANGANGAWA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 9, 2020

Mukhang may part 2 ang hidwaan ni Senator Antonio Trillanes IV at ng aktor na si Robin Padilla, dahil pinalagan ng huli ang pahayag ng una na, “Sabi ni Robin, magtrabaho na lang daw at ‘wag na magreklamo. Ano? #1 na tayo sa pinakamaraming COVID cases sa SE Asia, habang parang naglalaro lang si Duterte at 'di alam ang ginagawa. Basta, isa ka sa salarin kung bakit naging presidente 'yang si….. 'yan. Malaking perhuwisyo ang idinulot n’yo sa Pilipinas."
Ipinost ni Robin ang larawan ni G. Trillanes sa kanyang IG account na nilagyan niya ng caption, “Mr. Antonio Trillanes who was educated by our taxes then after he took over Oakwood planting C4 explosives endangering civilian lives taking Makati as his hostage not once but twice.
“Mr. Trillanes, unang-una, wala akong sinabi na magtrabaho, pangalawa schoolmate sa Siena College, kung sa pagiging perhuwisyo sa Inangbayan ay nangunguna ka sa dami ng kudeta mo na lahat ay surrenderie ka. Naapektuhan lang ang ekonomiya ng Pilipinas kaya talo na naman ang taongbayan, pero ikaw ay panalo dahil naging senador ka. Parang nagoyo mo lang ang ibang mga Pinoy sa personal mong agenda katulad ng ginagawa mo pa rin ngayon.
“Pakiusap ‘wag mo ako idamay sa away ninyo sa pulitika dahil hindi ako pulitiko at lalong hindi ako kandidato sa 2022 na katulad mo. I call myself revolutionary because I do not join governments I fight governments and that is what President Duterte and this government is doing, fighting the system of government and its oligarchs that was founded by the Magdalos of Emilio Aguinaldo.
“Talagang outside the normal ang ginagawa ni PRRD dahil talagang kumakasa siya sa lahat ng pinaglilingkuran mo. Hindi ka lang napagbigyan ni Mayor PRRD na maging Vice-President candidate niya, naghuramentado ka na at para kang bata na nagngangangawa.
“Puro batikos, puro ka reklamo, puro ka hamon dito, hamon du'n, napalaban ka na ba talaga? Sinabi na ni pangulo na nag-take over na ang China sa South China Sea/West Philippine Sea, bakit hindi ka ru'n magmatapang? Gusto mo, samahan na kita para isang Magdalo at may pag-asa katipunero ang mag-umpisa ng kabayanihan du'n.
"Mr. Trillanes, pinili ko ang pagka-Pilipino ko at karapatan ko ang magsalita laban o pabor sa inyong mga pulitiko! Karapatan ko ang mamili ng aking susuportahan at lalabanan na pulitiko. Hindi kita inaano o binabangga magmula nang hindi ka na senador bilang respeto sa iyong pamilya kaya't umayos ka rin.”
Matatandaang una na naming nasulat dito sa Bulgar noong Agosto 4 na naglabas ng saloobin si Robin dahil muling ibinalik sa MECQ ang Metro Manila at posibleng dito nakuha ni Senador Trillanes ang pahayag niyang "Magtrabaho na lang daw at ‘wag magreklamo."
Sabi kasi ni Robin, marami pa rin sa ating mga Pilipino ang hindi pa rin matanggap na may pinagdaraanan tayong pandemya ngayon at ito ang laban na dapat tutukan kaya ang dapat ay magkaisa na lang at tigilan na ang pamumulitika.
Kaya sana raw, kesa magreklamo at mambatikos ay magtrabaho at tumulong na lang.
“Hindi ito ang oras ng pamumulitika! Ito ang oras ng pagtulong sa gobyerno maging ano man ang kulay mo. Isaksak n'yo sa baga n'yo at puso n'yo na ang pinag-uusapan ngayon at ang nakataya ngayon ay ang SURVIVAL ng ating LAHI at INANGBAYAN PILIPINAS.
“Join the Reservist. Ask not what your country can do for you – ask what you can do for your country,” sabi pa ni Robin.
Well, kayo na ang humusga, Bulgar readers, kung sino ang mas papanigan n'yo sa dalawa.





Comments