'Di raw kinaya ang mga isyu sa kanya… LOISA, NA-GUILTY NA MUNTIK NANG MAGPAKAMATAY
- BULGAR
- Oct 15, 2022
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 15, 2022

Sobrang grateful ni Loisa Andalio na natupad ang isa sa mga pangarap niya bilang artista na magkaroon ng pagbibidahang teleserye sa ABS-CBN and Dreamscape Entertainment, ang Love in 40 Days.
Sa finale presscon ng serye ay naungkat ang muntik nang pagpapakamatay ni Loisa.
Pero nagpaliwanag naman siya kung bakit niya naisip magpakamatay.
“Hindi naman po dahil may suicidal tendency ako. Pero dahil po sa pinagdaanan na rin.
Hindi naman 'yung gusto ko ulit. Kumbaga, pinagsisihan ko siya. Naisip ko na wala tayong karapatang mawalan ng gana sa buhay. Kasi, hiram lang naman natin ang ating buhay,” esplika ni Loisa.
Inamin niya na ang nag-trigger noon kaya niya naisip magpakamatay ay dahil sa sunud-sunod na isyu sa kanya nu’ng baguhan pa lang sa showbiz. Imagine rin kasi na 15 years old lang si Loisa nu’ng magsimula sa showbiz.
Labis daw niyang pinagsisihan ‘yun dahil na-realize niya na hindi lang siya naka-commit ng kasalanan sa family niya kundi pati sa Diyos, unang-una na.
Samantala, huwag palampasin ang huling mga linggo ng Live in 40 Days lalo pa’t nanganganib ang relasyon nina Jane (Loisa) at Edward (Ronnie Alonte) dahil sa lumalalim na sigalot sa pagitan nilang dalawa. Kaya pa ba nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan o wala na nga ba itong pag-asa?
Abangan ang ‘pamatay na ending’ sa huling tatlong linggo ng Love in 40 Days.
Tuluyan nang nakipaghiwalay si Edward kay Jane matapos nitong tanggihan ang alok niyang magpakasal at nang matuklasan niyang iniimbestigahan pa rin ni Jane si Andrea (Mylene Dizon), ang nanay ni Edward.
Wala pa ring kamalay-malay si Edward sa patung-patong na krimeng ginawa ni Andrea at hanggang ngayon, pinipilit pa rin nito na inosente siya at gusto lang siraan ni Jane.
Ngayon na nawala ang tiwala ni Edward kay Jane, kailangan nitong makahanap ng matibay na ebidensiya na magpapatunay na si Andrea nga ang mastermind ng isang sindikato at siya rin ang may pakana sa tangkang pagpatay kay Jane noon.
Sa kabila ng matitindi nilang pagsubok, umaasa naman si Jane na maniniwala si Edward sa kanya dahil nalaman na ni Jane na ang totoong ina ni Edward ay si Ofelia (Janice de Belen), ang matagal nang kasambahay ng pamilya ni Edward.
Magka-happy ending pa kaya sina Jane at Edward? Malalaman na ba ni Edward kung sino ang totoo niyang nanay?
Alamin.





Comments