- BULGAR
'Di raw itinago… MADLANG PIPOL, SHOCKED NA MAY ANAK SINA CHERIE AT LEO
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 9, 2022

Nag-post ang tatlong anak ng namayapang aktres na si Cherie Gil sa kani-kanilang Instagram account. Bawat isa sa kanila ay kasama sa larawan ang kanilang ina.
Ang panganay ni Cherie na si Jay Eigenmann, feel na feel sa larawan na kanyang ibinahagi ang sobrang pagmamahal sa mahusay na aktres.
Walang caption ang kanilang picture, pero sa mahigpit na yakap nilang mag-ina ay mararamdaman ang sobrang pagmamahal nila sa isa't isa.
Si Jay ay anak ni Cherie sa komedyante-aktor na si Leo Martinez.
Knows sa showbiz circle ang naging relasyon ni Cherie kay Leo, pero hindi ito masyadong napag-usapan sa industriya dahil mas napapansin nila ang husay ni Cherie sa pag-arte bilang kontrabida.
Hindi naman daw itinago ng aktres sa publiko ang panganay na anak, mas ninais lang niyang maging pribado ang buhay nito.
Besides, hindi pa masyadong 'magagaling' ang mga Marites at Mosang noon.
Sa black and white photo naman ng anak niyang babae na si Bianca Rogoff na kasama ang ina, ang inilagay na caption ay: "More later. I love you Mom (with heart emoji)."
Picture naman ni Raphael Rogoff when he was a kid ang ibinahagi niya kasama ang ina.
May isa pang solo picture ni Cherie na may background na blue sky. At ang isang larawan ay mahigpit na pagkakaabrisiyete ni Raph sa ina.
Nakakabagbag-damdamin kumbaga.
Sina Bianca at Raph ay half-siblings ni Jay. Dahil ngayon lang din na laman ng ibang netizens na may anak si Cherie kay Leo, hindi nila maiwasang mag-react.
"I never knew that the father of Cherie’s eldest child is Leo Martinez."
"Kahapon ko lang din nalaman. Tapos nag-stalk ako ng photos. May modern family pics sila ni Cherie, Cherie’s eldest child, Leo, Gina V., Angeli and the Valenciano fam. Modern blended family sila."
"Same here. Itsinika lang sa akin ng almost senior na colleague ko."
Hinangaan naman ng isang netizen ang pagpapalaki ni Cherie sa tatlo niyang anak.
"I love how Cherie's three children are decent and humble. Never nakitang epal and KSP on social media. They really followed their mom's wish to keep her condition private."
"NYU grads rin pala ang 2nd and 3rd. Not sure sa eldest son on what school siya."
Sa Full Sail University graduate si Jay with a bachelor's degree in Arts and Recording with honors.
"Private at classy kasi 'yung nanay nila and it reflects on them."
"'Kagulat 'yung family tree ng mga Eigenmann, naging sina Cherie pala at Leo Martinez. And I thought magpipinsan sina Gabby, Sid, Max and Andi, magkakapatid pala. No wonder ang gagaling umarte, they have no choice but to be good at it, ang tindi ng acting genes sa lineage nila."
"I admire Cherie more, because of how she brought up her children. They seemed so refined and humble. It's very seldom among actors having their kids finish their studies. I salute you, Cherie.
You're a great actress and all the more, a real great mom. May you rest in peace."