'Di raw hands-on sa preparasyon sa kasal nila ni Bea… DOMINIC: BASTA MAY ALAK, SOLB NA AKO!
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 25, 2024

Ayon kay Dominic Roque, ibibigay niya ang dream wedding ng fiancée niyang si Bea Alonzo na mala-fairytale.
“It’s more of her dream wedding. ‘Yung babae kasi, parang may fairytale wedding silang naiisip habang lumalaki sila. So, ayun, meron din siyang ganu'n,” sey ni Dominic nang makatsikahan namin kamakailan.
At ibibigay ba niya ang dream wedding ni Bea?
“For her, it’s her dream, eh. So, why not do it? We’ll do it together so ‘yun ang magiging. .
(I’m) excited,” sey ng former actor na ngayon ay businessman na.
When asked kung ano naman ang dream wedding niya, aniya, “Basta ako, ikinasal lang ako, I’m good. Hindi naman ako nag-iisip ng talagang bonggang kung anuman.”
Hindi naman daw mahirap ang wedding preps dahil may organizer sila at marami pang ibang tumutulong sa kanila, bagama’t hands-on din naman daw sila.
Pag-amin nga niya, naiinis daw si Bea sa kanya dahil ang feeling nito ay mas hands-on ito sa wedding planning kaysa sa kanya.
“Minsan, naiinis nga siya sa akin kasi parang feeling niya, mas hindi ako hands-on,” aniya.
“Itinanong ko sa organizer kung mas hands-on ba talaga ang mga babae (sa wedding preps) kaysa sa mga lalaki. Nu’ng tinanong ko rin ‘yung mga kaibigan kong mga ikinasal na, mas hands-on talaga ang mga babae.
“Ako naman, basta may alak, okay na ako du’n,” ani Dom.
Sey pa niya, “Tinanong ko ‘yung mga kaibigan kong lalaki, ganu’n din naman sila, eh. So, it’s just the same, it’s normal.”
Hindi pa iniri-reveal ng BeaDom kung kailan at saan ang kasal although inamin na nilang abroad ito gagawin.





Comments