top of page
Pokwang.jpg

'Di raw feel panoorin dahil starlet… SIGAW NG NETIZENS: JANE, WALANG DATING!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2020
3 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 6, 2020




Final nang si Jane de Leon pa rin ang gaganap bilang Darna. Pero hindi na movie ang gagawin ng Star Cinema kundi TV series na lang.


Pumirmang muli ng kontrata sa Star Magic ang young actress. Kinumpirma ng ABS-CBN na si Jane pa rin daw ang gaganap na Darna at wala nang iba pa.


Kahit na maraming netizens ang nagsasabing hindi raw nababagay sa young actress ang title role, hindi nagpadala sa mga bulung-bulungan ang management.


Marami kasi ang nagsasabing mas nababagay daw kay Liza Soberano ang nasabing project.


Kuwento ni Jane, “Nagulat ako kanina kasi sabi ko, ‘Bakit tumayo si Tita Cory? Ano'ng nangyayari?' Ganyan. Sabi ko, ‘Oh, my gosh!’ Nu'ng sinabi niya, sobrang totoo, ‘yung sinasabi ko talaga na nag-flashback po ‘yung in-announce sa 'kin, kasama lahat ng mga executives, ganyan.”


Pagbabahagi pa ng aktres, “Akala ko postponed, or 'di na matutuloy kasi ayoko talaga mag-expect. Ayun, ‘yung pinaka-pinromise ko kay Lord na ayokong mag-expect ng kahit ano, because I know naman na may mga darating na blessings. Then, ‘yun din ‘yung sinabi ko dati habang nag-o-audition ako sa mga boss.


“Sabi ko sa kanila 'If 'di po talaga para sa 'kin ‘to, naiintindihan ko po. Baka para talaga sa ibang tao or para sa ibang nararapat na artista. Pero kung ibibigay n'yo po sa 'kin ‘to at pagkakatiwalaan n'yo po ako, nagpapasalamat po talaga ako.”


Natanong din ang aktres hinggil sa mga negatibong komento ng mga netizens sa kanya nitong nakalipas na mga araw.


“I think it’s very normal to feel down if it’s a negative comment. And kailangan lang talagang matuto ako kung paano mag-manage nu'n kasi it’s really normal sa showbiz and I do understand also kasi nga wala pa naman. Sino ba ako? 'Di ba, totoo naman?


"'Baguhan ‘to. Saan nanggaling ‘to? Bakit siya?' ‘Yun ‘yung mga tanong ng mga netizens, even me. ‘Wag kayong mag-alala, kahit ako, tanong ko ‘yun sa sarili ko. Bakit ba ako ‘yung napili?


“Kasi ako, ipinag-pray ko naman kay Lord na ‘Lord, gusto ko pong magkaroon ng project, opportunities, pero siyempre, 'di ko rin po in-expect ‘yung Darna. Kaya 'yun po, sa mga nagsusuporta naman po sa 'kin, like positive comments, maraming-maraming salamat po sa pagtitiwala n'yo kahit na hindi pa po natin naipapakita.


“Pero ‘yung suporta po na ibinibigay n'yo po sa 'kin, hindi po kayo naggi-give-up. You’re still pushing me to do it and salamat din sa pagbibigay sa 'kin ng positivity. Maraming salamat.”


Kahit na muling inanunsiyo ng ABS-CBN na si Jane pa rin ang gaganap sa Darna role, marami pa ring negatibong komento mula sa mga netizens.


“'Wag magpakasigurong lilipad na si Darna. Ilang taon na 'yang naudlot. 'Di ako umaasa.”


“'Di ko maintindihan ang hype sa Darna. Heller, ang dami pa kayang mas better na super heroes than her like Lastikman, Gagamboy!”


“With all the brouhaha about Darna, not interested more so now that it's her, a starlet playing the title role.. Next....”


“Umay na sa Darna! Tapos 'yung kinuha pa, walang appeal and no solid fan base. Good luck na lang.”


“Waley dating si ghorl. Naumay na ang tao maski hindi pa nag-umpisa.”


Ang isang netizen, todo naman ang suporta sa young actress.


“Tuloy pa rin pala at si Jane pa rin ang Darna. So, ano'ng sinasabi ng mga tards na sana, 'yung isa na lang ang gumanap, eh, nag-resign nga 'yung idol nila sa role na 'to, 'di ba? Labo. Do good, Jane. Show them you deserve to be Darna.”


“Bata pa lang ako, may DARNA na. Si Vilma Santos pa noon, eh, kalaban niya 'yung mga higante at mga buruka! So, expected ko mga nasa 60+ na si Darna! Sana, tumatanda mga superheroes para merong bagong pumapalit. Halimbawa, tumanda na si Darna, so, E na ang susunod, parang bagyo, ERZA!!!!!”


“She's okay pero walang sex appeal at charisma 'tong batang 'to'.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page