top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Di raw boto sa aktres para sa anak… DINA, SINABIHAN SI OYO NA MASAMA ANG UGALI NI KRISTINE

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 09, 2022



Ibinunyag ni Oyo Sotto na hindi pala boto noon kay Kristine Hermosa ang iba nilang kamag-anak at dini-discourage raw talaga siyang pakasalan ito kabilang na ang ina niyang si Dina Bonnevie.


“Mataray. Actually, 'yun 'yung mga sinasabi ng pinsan ko sa akin dati. Kahit 'yung mom ko noon, sabi, ‘Masama daw ugali niyan.’ As in ganu’n 'yung sinasabi sa akin,” kuwento ni Oyo sa interview kay Toni Gonzaga.


“Sabi ko naman, ‘Alam ko na 'yung mga chismis na ganu’n, Ma.’ Pero iba kasi kapag nakakausap mo na 'yung tao. Totally opposite talaga.


“Talagang what you see is what you get. 'Yun 'yung nagustuhan ko, hindi siya showbiz. Isa siya ru’n sa mga tao na totoo lang siya talaga.


“'Yan 'yung gustung-gusto ko sa kanya, na behind the camera, 'yun siya. Kapag nakaharap siya, 'yun siya. Kapag galit siya, galit siya. Kapag asar siya, asar siya. Kapag good mood siya, good mood siya,” pagbabahagi ni Oyo.


Kapansin-pansin nga na simula nang maging mag-asawa sila ay nagsimula na ring mag-lie-low sa showbiz si Kristine na understandable naman, especially nang maging nanay siya, hanggang sa tuluyan na ngang tumigil sa showbiz.


Ayon kay Oyo ay hindi niya binabawalan si Kristine na mag-artista.


“I don’t want to take the credit. Si God talaga. Kasi nakita ko rin na talagang she was really praying na ‘Sige, Lord, talagang magsa-submit ako sa husband ko. Kung ganyan ang kailangan kong gawin, lie-low muna, huwag muna akong mag-work, siya muna, sige. Sige, magsa-submit siya.’


“Kasi, gusto niya talaga, eh. Sinasabi niya sa akin, gusto niya mag-work. Kaya lang, ayaw niya ng drama. Eh, sabi ko sa kanya, ‘Okay ako. Mag-work ka kung gusto mo. Pero gusto mo ba 'yung gagawin mo?’” saad ni Oyo.


As for Kristine, wala raw siyang pinagsisisihan sa naging desisyon niya na mag-quit sa pag-aartista and in fact, nagpapasalamat daw siya kay Lord at si Oyo ang ibinigay sa kanya bilang partner in life.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page