top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di raw binoykot… TONI, 'DI INIMBITAHAN ANG MGA BFF NA CELEBS SA CONCERT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 23, 2023
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | January 23, 2023



Ilang araw nang tapos ang matagumpay na anniversary concert ni Toni Gonzaga pero patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga reaksiyon at batikos sa tinaguriang “Most Powerful Celeb” sa bansa.


May mga hinanap pa ang netizens na celebrities na dating mga nakasama ni Toni sa loob ng 20 years niya sa showbiz.


“Aanhin mo ang sinasabi kuno na 'Napuno ang Araneta dahil nagpabigay ng tickets' kung walang kaibigan mo ang sumuporta sa 'yo? Saklap. Sampal. Nakakalungkot lang kay Toni na hinayaan niyang mawala ang lahat sa isang iglap lang. End of Era.”


Pero may nag-tweet na netizen na tila reaksiyon sa tanong ng marami bakit wala ang ibang celebrities na nakatrabaho ni Toni.


“Pupunta naman kami kung inimbita niya kami. Eh, wala naman siyang pasabi.’ - her A-lister friends,” tweet ng netizen.


True kaya ‘to? Hindi nag-imbita si Toni ng mga dati niyang kasamahan?


Sa pagkakaalam namin, isa si Vhong Navarro sa mga malalapit na kaibigan ni Toni sa showbiz.


But that night, lumabas sa socmed ang short video clip na nasa concert nina Teddy Corpuz at Jugs Jugueta si Vhong kasama ang iba pang It’s Showtime hosts sa pangunguna ni Vice Ganda na kaibigan ni Toni.


May isa pang hanash sa concert ni Toni ang mga netizens.


“Hindi rin daw nagpaalam sa mga producers sa pag-cut ng scenes sa mga movies niya.


Wala ring pasabi sa mga shows na ilalagay sila sa screen. Kalat ng concert na 'to.”


Well, hindi kami nakapanood ng concert ni Toni kaya wala kaming masasabi ukol d’yan.


Mahirap mag-comment kung 'di namin personal na nakita.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page