'Di raw binati ng EB Dabarkads… ALDEN, SA JAPAN NAG-BIRTHDAY KASAMA ANG PAMILYA
ni Nitz Miralles @Bida | January 4, 2023

Sa Japan nag-celebrate ng kanyang 31st birthday si Alden Richards kasama ang kanyang pamilya.
Nag-live si Alden sa Instagram para pasalamatan ang mga bumati sa kanyang birthday noong January 2 na special day daw sa kanya.
Hindi na para sa kanya ang New Year’s wish ni Alden at ang wish na lang nito ay matupad ang wish ng mga nag-wish sa kanya at marami-rami ‘yun.
“Selfless wish ko ‘yun for everybody,” ani Alden.
May maliit na isyu lang sa birthday ni Alden. Nagtatanong ang mga fans nito kung bakit hindi siya binati ng Eat… Bulaga! Dabarkads?
Baka naman hindi lang narinig ang birthday greetings kay Alden at posible ring nakalimutan.
Tiyak namang hindi ito isyu sa aktor at siguro naman, welcome pa rin siya sa EB! kung babalik siya.





Comments