'Di raw bayaran sa pagkanta sa rally ni Leni… HIRIT NG NETIZEN: PERFORMANCE NI MOIRA, 'DI PANG-P5 M
ni Julie Bonifacio - @Winner | March 20, 2022

Umalma ang singer na si Moira dela Torre sa headline ng isang newspaper na nagsasabing binayaran siya ng P5M para mag-perform sa rally ng team nina VP Leni Robredo at Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa Zamboanga City kamakailan.
Isa si Moira sa mga performers during the Leni-Kiko rally.
Mariing itinanggi ni Moira ang nakasulat sa headline by posting her comment sa socmed account ng naturang newspaper.
“Baka kayo po ang bayad para sa mga headline n'yo pong nagki-clickbait nang ganyan. 'Di po 'yan maganda, MANILA BULLETIN. Hehe! Kaya n'yo naman pong gamitin 'yung platform n'yo sa mas importanteng bagay na hindi base sa mga 'online Marites.' God bless po,” comment-post ni Moira.
Paliwanag pa niya, “Hindi po kami bayad. Nag-volunteer lang din po kami.”
Umani naman ng reaksiyon ang sinabi ni Moira mula sa mga netizens.
“Buti naman kung ganu'n, 'di siya binayaran. Lugi kasi ang organizer if ever nabayaran 'yung performance na 'yun.”
“Sana, hindi na nag-hehehe si Moira, parang sobrang bait naman ng comment niya. Medyo tapang-tapangan sana nang kaunti."
Although, meron pa ring netizens ang kumontra kay Moira.
“Sino nga bang artista ang aamin na binayaran sila? Common sense lang 'yan.”
May mga nag-akusa na rin dati kay Moira na isang "Marcos apologist" after attending the Marcos Fest that celebrated the late dictator Ferdinand Marcos’ birthday on September 11.
Pero itinanggi 'yun ni Moira at “never” daw siyang naging Marcos apologist.





Comments