top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di raw bagay sa aktor… PIOLO, NAGPA-BLONDE NG MAHABANG BUHOK, INAYAWAN NG NETIZENS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 11, 2021
  • 2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | January 11, 2021




Ginulat ni Piolo Pascual ang mga netizens with his new look sa latest picture niya na naka-post sa kanyang Instagram kahapon na may account name na piolopascualph.

Ang piolopascualph ay ang official digital page ni Piolo sa Instagram.


Nakaupo sa buhanginan sa isang beachfront si Papa P na nakapusod paitaas ang long blonde hair at nakasuot ng blue swimming shorts.


Halatang digitalized ang naturang picture mula sa background hanggang sa mukha ni Piolo na ipinatong lang sa katawan. Paano kasi, ang puti-puti ng mukha ni Piolo sa piktyur habang morenong-moreno ang balat ng buong katawan.


Pero true naman na bago ang hairstyle ni Papa P ngayon, hah?


Two weeks ago ay may naka-post kasi sa IG account mismo na piktyur niya na nakaupo sa gilid ng swimming pool habang nakatalikod sa The Lind Hotel sa Boracay.


Mapapansin sa piktyur ang blonde na color at nakatirintas na buhok ni Papa P.


Nag-comment ng pagkadisgusto sa new hairstyle ni Papa P ang isang netizen.


“Blonde hair does not suit you, Piolo. Why would you want to be blonde and light-skinned?

Don’t mess with what God gave you because you are more becoming with dark hair and skin,” post ng netizen.


Ipinagtanggol naman si Papa P ng iba niyang followers.


“Baka may movie or serye with that look kaya nagpakulay.”


“Para maiba naman siguro.”


Pero sa true lang, kahit ano pa ang color ng hair ni Papa P, napakaguwapo pa rin niya.


Anyway, dumagsa rin ang maagang pagbati kay Papa P para sa kanyang kaarawan bukas (Martes).


Agent X-44 na pala si Papa P on January 12. Kaya naman pala atat na ang marami na magka-girlfriend na ulit siya.


Hopefully, bago mag-50 si Papa P. ay ma-meet na niya ang kanyang partner for life.


Kunsabagay, 52 na ang tinaguriang "longest-bachelor" sa Hollywood na si George Clooney when he married Atty. Amal Alamuddin.


Unless, mas type talaga ni Papa P. ang maging bachelor-for-life.

Well, happy birthday, Papa P!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page