ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 17, 2024
TILA TOTOONG 3 DUTERTE ANG KAKANDIDATO SA SENADO KASI SINABI NA NI MAYOR BASTE INTERESADO SIYANG TUMAKBO SA PAGKA-SENADOR -- Tila totoo ang sinabi ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na kakandidatong senador ang tatlong Duterte, ang kanyang amang si ex-P-Duterte at dalawa niyang kapatid na sina Davao City Rep. Paolo Duterte at Mayor Baste Duterte.
Nagpahayag na kasi si Mayor Baste na interesado siyang kumandidatong senador sa 2025 midterm election, abangan!
XXX
‘DI PALA NAGBIBIRO SI VP SARA SA SINABING SIYA ANG DESIGNATED SURVIVOR KAYA ‘DI DADALO SA SONA NI PBBM -- May pagkainis na tinugon ni VP Sara ang mga kumukuwestiyon sa kanya sa isyung hindi niya pagdalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa July 22, 2024. At ito ang tugon niya: “Nagsabi na ako ng rason, akala nila joke o bomb threat. Hindi na ako magpaliwanag pa.”
Ibig sabihin ng pahayag na ‘yan ni VP Sara ay hindi siya nagdyu-joke, at wala siyang sinabing bomb threat para matorete ang mga dadalo sa SONA ni PBBM sa Kongreso, kasi ang statement lang naman niya ay kaya hindi siya dadalo sa SONA ay dahil siya ang “designated survivor,” period!
XXX
KUNG NAGKA-AMNESIA MAN SI ALICE GUO, DAPAT MAG-THANK YOU SIYA SA SENADO, NBI, MGA CLASSMATE NIYA KASI IPINAALALA SA KANYA NA DI SIYA PINOY, KUNDI CHINESE SIYA -- Kung nagka-amnesia man si suspended Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, ay dapat siyang magpasalamat sa Senado, National Bureau of Investigation (NBI) at sa kanyang mga kaklase na nagkumpirmang naging classmate nila ito sa Grace Christian School sa Quezon City.
Dahil kasi sa imbestigasyon ng Senado, sa pagsusuri ng NBI sa kanyang fingerprints at sa ginawa ng kanyang mga kaklase sa pagsasapubliko ng larawan niya na nag-aral siya Grace Christian School, ay nalaman na ngayon ng suspendidong mayora na hindi siya Filipino citizen, kundi kumpirmadong isa siyang Chinese national, boom!
XXX
DAPAT ANG GAWIN NG KAMARA GUMAWA NG RESOLUSYON NA HILINGIN KAY PBBM NA I-BAN NA ANG POGO SA ‘PINAS -- Sasabayan ng Kamara ang Senado sa pag-iimbestiga sa operasyon ng mga Chinese Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Pambihira naman, eh iniimbestigahan na nga ng Senado ang mga iregularidad sa POGO, eepal pa ang mga cong. sa imbestigasyon dito.
Ang dapat gawin ng Kamara ay gumawa ng resolusyon na humihiling kay PBBM na i-ban na ang POGO sa bansa at baka sakali ma-pressure ang Presidente at tuluyan na nitong ipagbawal ang salot na POGO sa ‘Pinas, period!
Comments