top of page
Search
  • BULGAR

'Di pa rin makalusot, Deniece… VHONG, TINANGGALAN NG ENDORSEMENT DAHIL SA RAPE CASE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 11, 2022



Naku po!!! True nga ba na inaayawan na bilang endorser ang It's Showtime host na si Vhong Navarro dahil sa rape case na isinampa sa kanya ng model na si Deniece Cornejo?


May nakarating kasi sa aming chika na worried ang mga advertisers na makaapekto sa kredibilidad ng kanilang produkto ang akusasyong ibinabato kay Vhong lalo't kamakailan ay muli na namang binuhay ang rape case na isinampa sa TV host nu'ng taong 2014.


Matatandaang naging controversial at headline pa nga ng maraming newspapers si Vhong Navarro matapos mabugbog dahil sa akusasyong ni-rape niya ang model na si Deniece Cornejo na pinuntahan niya sa condo para magdala ng food.


Naglabas ng desisyon ang Court of Appeals nitong unang linggo ng Agosto kung saan inatasan ng nakakataas na hukuman ang Taguig Prosecutor's Office na isampa na sa Taguig City Regional Trial Court para magkaroon ng paglilitis kay Vhong at mabigyan ng kanyang "day in court" si Cornejo para ireklamo ang naturang aktor.


At heto nga ang latest, diumano, bulong sa amin ng isang source, bigla raw inilaglag si Vhong bilang endorser ng cable company.


Naglabas umano ng bilin sa kanilang mga ad executives ang kumpanya na simulan na umanong i-pullout ang ilan sa mga ad collaterals na kabilang si Vhong Navarro at si Maine Mendoza.


Ang siste, maiiwan si Yaya Dub bilang endorser kahit pa kamakailan ay inanunsiyo ang pagka-engaged ng aktres sa kanyang longtime BF na aktor-turned congressman na si Arjo Atayde.


Meaning, sa mga ad posters ay mae-erase na si Vhong Navarro.


Well, bukas ang aming pahayagan para sa panig ni Vhong. Puwede niyang i-confirm o i-deny ang isyung ito.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page