'Di pa rin kasi nabubuntis…BEA, SI ETHEL ANG NAPILING MAGING SURROGATE MOM NG ANAK

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 14, 2021

Hindi namin alam kung seryoso or nagbibiro si Bea Alonzo nang alukin niya si Ethel Booba na maging surrogate mother ng kanyang magiging future baby if ever.
Sinabi ito ni Bea sa one-on-one interview ni Ethel sa kanya para sa YouTube channel ng sexy comedienne.
Nagbiro kasi si Ethel na baka raw maging magkumare sila ni Bea in the future.
“Malay mo, maging kumare ako sa baby mo,” biro ni Ethel.
Sagot naman ni Bea, “Oo, malay mo naman.”
“Komedyante rin ang baby mo,” sey pa ni Ethel.
Biglang humirit si Bea ng “Pero puwede ba kitang kuhaning surrogate mother kung sakali?”
Tanong ni Ethel, “Ano’ng surrogate?”
Paliwanag ni Bea, “'Yung ikaw ang magdadala ng baby ko, pero eggs ko.”
Napa-"Oh, my gosh!" si Ethel.
Tanong ulit ni Bea, “If given a chance, tatanggap ka ng surrogacy?”
Sagot ni Ethel, “Puwede naman. Magkano ba?”
Napahalakhak si Bea.
“So, guys, alam n’yo na. ‘Pag hindi pa ko mabuntis or mag-asawa sa lalong madaling panahon, papa-surrogate na ‘ko,” natatawang sabi ni Bea.
Dagdag pa ni Bea kay Ethel, “Kasi, healthy at ang ganda ng baby mo, so puwede.”
Sabi pa ng aktres, at least daw ngayon ay mayroon na siyang option dahil puwede pala si Ethel.
Sa nasabing panayam ay ibinalita rin ni Bea na tuloy na tuloy na ang reunion movie nila ni John Lloyd Cruz.
“He’s back! Excited ako, kakabasa ko lang kagabi, totoo lang, ng script, kinilig ako, pero wala pa siyang ending. Pero super-ano, nakakaiyak siya na nakakakilig,” sey ng aktres.
Sa comment section ay tuwang-tuwa naman ang mga fans nila ni Lloydie at marami ang nagkomento na sana ay sila na lang ng aktor ang magkatuluyan.
Well, who knows, 'di ba naman?





Comments