top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Di pa raw ready kahit may anak na… JANELLA AT MARKUS, WALA PA RING BALAK MAGPAKASAL

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 05, 2022




“Kahit hindi planned, ever since, pangarap ko talagang maging mom,” ang sabi ni Janella Salvador sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa vlog sa YouTube channel nito.


Tinanong kasi ng talent manager/vlogger kung ano ang initial reaction niya nang malamang buntis at kung pinlano nila ito ng boyfriend niyang si Markus Paterson.


“Hindi ko lang alam na ngayon na agad ako magiging mom, ‘yung timing, pero I really, really wanted my own child talaga. Sabi ko, whenever that time is, ready ako and I was ready and I’m enjoying being a mom now,” kuwento ng aktres.


Sa tanong ni Ogie kung anong klaseng nanay si Janella at ano ang hindi niya gagawin sa anak na ginawa sa kanya ng inang si Jenine Desiderio, “Lumaki kasi akong secretive. Hindi sinadya ng mom ko na sobrang strict, ‘yun, lumaki akong secretive, kasi nga I was scared to open up to her.


“So, gusto ko si Jude, when he grows up, maging open siya sa akin. I’ll try to be as understanding as possible at the same time, pero may boundaries pa rin. Gusto kong lumaki siyang hindi takot mag-open-up sa akin,” pahayag ng proud mom.


Sunud-sunod na tanong ni Ogie, bakit daw secretive si Janella, bakit na-develop ang ganu’ng ugali ng aktres? Takot ba siya sa mom niya or ayaw lang niya ng away kaya hindi na lang niya sinasabi ang mga kailangang sabihin?


“Both, hahaha! Lumaki ako, both. Ang dami kong iniisip. I don’t know why pero talagang takot akong mag-open up sa kanya lalo na nu’ng teen-ager ako, when I was a kid. Siguro, takot ako sa reaksiyon niya lagi kasi intense ‘yung mom ko and she knows naman na para siyang dragon,” natawang sabi ng aktres.


Dagdag pa, “May kasabihan na ‘yung ugali, namana lang sa mom nila, na ako, namana ko rin sa kanya na strong willed at kung ano ang gusto ko, ito na ‘yung ipaglalaban ko.”


Kaya hindi niya gagawin kay Jude ang nangyari sa kanya, pero may limitasyon at hindi rin siya magiging maluwag sa anak.


At ngayong ina na si Janella ay mas na-appreciate niya ang paghihirap ng Mama Jenine niya lalo’t pinalaki siya nito nang mag-isa.


“Majority of my life, she raised me on her own. Kasi nu’ng first few days ni Jude, iniisip ko, 'Paano pala kung mag-isa ako?' Kasi ang mama ko, mag-isa lang siya nu’n, eh. Ang hirap, so I really appreciate my mom for that,” katwiran ng dalaga.


Kaya nang dumating ang oras na kailangan nilang ipagtapat sa Daddy Juan Miguel Salvador at Mommy Jenine niya ay takot ang naramdaman niya.


Pero nu’ng sabihin niya ito sa dad niya ay niyakap siya at naiyak daw sa tuwa at wala rin naman siyang narinig sa mommy niya at sa katunayan ay sumunod ito sa kanila ni Markus sa London para samahan ang panganay sa kanyang pagbubuntis.


Samantala, kahit may anak na sina Janella at Markus ay hindi pa rin nila naisip magpakasal at okay sila as co-parenting kay Baby Jude.


“Parang ‘wag na muna, matagal-tagal pa 'yun,” walang patumpik-tumpik na sagot naman niya. “Hindi muna namin iniisip 'yun!


“He’s a very good dad, I’m a very good mom to Jude. Pareho kaming hands-on. Pero siyempre, nag-uusap pa rin kami, we’re under one roof, we’re still okay, pero mas ano sa parenting kami.


“Of course, meron din kaming mga bumps, mga away na maliliit, pero ako kasi, hindi mahili

g manigaw. I just like talking it out. Si Markus din naman, hindi niya ako sinisigawan, mayroon lang din kaming mga away which is normal.


“Dapat sobra-sobrang okey na ang lahat, stable ka financially, emotionally, lahat. Ngayon, we’re still learning new things about each other and how we are as parents, so, hindi pa namin iniisip 'yung ‘Pakasal na tayo.’


“Pero siyempre ako, I date to marry. Ayoko kasi nu’ng [iba-iba]... parang ano’ng point, magde-date ka, tapos you’re not trying to see if siya na talaga 'yun, for me.


“If he doesn’t think the same way, walang point. Parang feeling ko, we are just wasting our time 'pag magde-date ka, tapos hindi 'yun 'yung end goal mo,” katwiran pa ni Janella.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page