‘Di pa raw matanggap noon… MAYMAY, 1 TAON NANG PATAY ANG INA BAGO DINALAW SA LIBINGAN
- BULGAR

- 21 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly| September 4, 2026

Photo: IG _maymay
After a year mula nang mamatay ang inang si Lorna Entrata, nakadalaw na si Maymay Entrata sa puntod nito.
Ipinost ng Kapamilya singer-actress ang video ng pagdalaw niya sa libingan ng kanyang nanay sa hometown nila sa Camiguin.
May dala-dalang pink flowers si Maymay na aniya ay favorite ng kanyang ina.
Sey niya, ngayon lang daw siya nakadalaw dahil hindi pa niya matanggap noon na wala na ang nanay niya.
“After a year, may courage na ako na bisitahin si Inay kasi nu’ng nandito ako nu’ng March, bibisitahin ko na sana s’ya kaso nu’ng time na ‘yun, in denial pa rin ako, eh.
“Pero ngayon, tanggap ko na talaga. Habambuhay ko s’yang mami-miss,” sey ni Maymay.
Habang naglalakad patungo sa libingan ng ina, wika ng aktres-singer, “Excited ako, guys.”
Makikita sa video kung saan nakahimlay si Lorna katabi ng ama nito na kung tawagin ni Maymay ay Papa Joe.
“Hello po, meet Mama Lorna, ito po ang Inay ko. Tapos, ito naman po ‘yung tatay ko, si Papa Joe. Si Papa Joe po, s’ya po ‘yung tatay ng nanay ko pero naging tatay ko na rin po kasi s’ya po ‘yung nagpalaki sa akin, silang dalawa ng lola ko, while nag-OFW ‘yung nanay ko sa Japan. Ngayon, magkasama na sila,” sabi ni Maymay.
Matatandaang sumakabilang-buhay ang nanay ni Maymay noong May 15, 2025 matapos ang dalawang taong pakikipaglaban sa cancer.
Unang Pinoy na may star sa Hollywood Walk of Fame… MGA KAPWA SINGERS, PROUD NA PROUD PARA KAY LEA
LEA Salonga’s star on the Hollywood Walk of Fame is officially ready.
Sa isang Instagram (IG) post, ipinasilip ng Hollywood Walk of Fame organization ang bituin ng nag-iisang Broadway royalty at inanyayahan ang mga fans na personal na saksihan ang unveiling ceremony na gaganapin sa September 4 (Saturday, September 5 sa Pilipinas) sa 6225 Hollywood Blvd..
“The ceremony begins at 11:30 AM PST. Fans should line up across the street next to Dunkin Donuts, on the east side of Argyle Ave.,” ang nakalagay pa sa post.
Nakatakdang gumawa ng history si Lea bilang first Filipino artist to receive a star on the iconic landmark in Los Angeles, California.
At para naman sa mga hindi makakadalo nang personal sa historic event na ito, ieere ang buong event via livestream sa opisyal na website ng Hollywood Walk of Fame.
Sa comment section, proud na proud naman ang fellow Filipino artists sa milestone na ito ni Lea.
“OMG (heart & praise emoji) we are so proud of you coach (heart & celebrating emoji). I will have a photo there when I get back to LA,” komento ni Vina Morales.
Joke naman ni Mark Bautista, “Shux (shucks)! (in love emoji) Maliit na bagay.”
Si Martin Nievera ay nag-post pa ng separate message and tribute for Lea to express his pride.
“Thank you @msleasalonga for constantly giving us all a reason to be proud. As much as this is your victory and sign of your hard work and determination from tears and tears of dreaming and auditioning, you did something no other Filipino artist can ever say they did in this lifetime. And we are so proud of YOU and so proud that you are Filipino! Congratulations my dear friend!” ang mensahe ng Concert King na ipinost sa kanyang IG account.





Comments