top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Di pa man senador ang BF na si Herbert… AIKO, 'SENADORA' NA ANG TAWAG KAY RUFFA

BULGAR
Mar 22, 2022
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | March 22, 2022




“Senadora” na ang tawag ni Aiko Melendez sa kaibigang si Ruffa Gutierrez dahil nga naman kung papalarin si Herbert Bautista na tumatakbong senador na manalo sa May 9, 2022 elections, magiging “senadora” na talaga ang tawag kay Ruffa.


Sa mga hindi pa nakakaalam, ito’y dahil in a relationship sina Ruffa at Herbert at nag-relationship reveal na nga si Ruffa.


Kaya natawag na “senadora” ni Aiko si Ruffa ay dahil nag-comment ang huli sa post ng una at panawagan na rin sa lahat na ‘wag mag-aaway dahil lang sa sinusuportahan nilang kandidato. Tama naman na isang araw lang ang eleksiyon at dapat, panatilihin ang magandang asal.


“Tama na ang batuhan ng putik. Hindi 'yan ang kailangan ng tao. Ang tunay na leader, 'di kailangang kailanman manira ng kapwa kandidato niya upang maiangat ang kanyang sarili. Let not this election be an avenue to pull each other down. Pagalingan ng tulong po sa tao ang dapat, dahil 'di naman tayong kandidato ang tunay na bida dito kundi ang mga tao na siyang pipili ng nais nilang magserbisyo sa kanila,” part ng post ni Aiko.


Ni-like ni Sara Duterte ang post na ito ni Aiko, at ang sagot ni Aiko, “@indaysaraduterte wah! My Vice-President!”


In fairness, walang nang-bash kay Aiko sa sinabing si Sara ang VP niya at open din siya sa pagsuporta kay Bongbong Marcos sa pagka-presidente. Wala naman sigurong kaibigan si Aiko na umaaway sa kanya dahil dito, respetuhan lang ‘yan.


Dahil pala sa muling pagtakbong konsehal sa isang district sa Quezon City, umalis sa Prima Donnas si Aiko, pero naiwan at nagpatuloy ang kasamaan ng karakter niyang si Kendra sa katauhan ni Sheryl Cruz.


Dalawa na silang hate ng mga viewers ng Afternoon Prime ng GMA-7 at patuloy na pinag-uusapan ang kasamaan ng karakter ni Kendra.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page