top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Di pa man kasal… JANE, UMAMING NASA ‘HONEYMOON STAGE’ PA RIN SILA NI RK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2023
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 29, 2023



Naaliw kami sa one-liner ni Jane Oineza sa one-on-one interview namin sa kanya pagkatapos ng mediacon ng 'nagbabagang' teleserye nila nina JC De Vera, Ria Atayde at Tony Labrusca na Nag-Aapoy na Damdamin nang sabihin nitong "Nasa honeymoon stage kami."


Tinanong kasi namin si Jane kung nasa ano’ng stage na ang relasyon nila ng BF na si RK Bagatsing ngayong 2 yrs. na sila at 'yun nga ang isinagot ng magaling na aktres.


Pero biglang kambiyo si Jane na ang ibig niyang sabihin na nasa honeymoon stage pa sila ni RK ay dahil sweet-sweet-an pa rin sila at bihira ang mga away-away.


Si RK na rin ang nakikitang ‘the one’ ni Jane dahil sobrang swak daw talaga sila sa isa’t isa.


Pero sa ngayon, dahil big break para kay Jane ang Nag-aapoy na Damdamin na maituturing niyang first ever lead role niya, sa career muna siya naka-focus at hindi muna niya masyadong iniisip ang love life.


Alam naman daw ni RK ang mga priorities niya at maging ang BF, priority din ang trabaho lalo’t kailangan nilang mag-ipon para sa kanilang future.


Samantala, happy si Jane na maganda at mainit ang pagtanggap ng mga viewers sa Nag-aapoy na Damdamin na napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:50 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z and TV5.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page