‘Di pa man isinisilang… BABY GIRL NINA JENNYLYN AT DENNIS, INULAN NG REGALO
ni Nitz Miralles - @Bida |February 21, 2022

Hindi pa man isinisilang ni Jennylyn Mercado ang baby nila ni Dennis Trillo, marami na ang nagreregalo. Nasa vlog ni Jennylyn na ang daming regalo for their baby, puno ang collab studio at recording booth nila ng regalo mula sa mga ninong at ninang, friends, family at relatives.
Sabi ni Jennylyn, dapat at may baby shower sila, pero hindi na yata matutuloy sa dami na ng natanggap nilang gifts for their baby. Para na ngang may store sa bahay nila for baby stuff and things sa kahun-kahong regalo.
Baby girl ang ipinagbubuntis ni Jennylyn. Pinangarap nila ito ni Dennis dahil pareho silang may anak na lalaki. Waiting na ang lahat sa pagsisilang ni Jennylyn.





Comments