'Di pa makabalik sa TV… WILLIE, SA FB AT YOUTUBE NA LANG NAMIGAY NG PAMASKO
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 22, 2023

Photo: Wowowin / FB
Maraming nabiyayaan at nagkamit ng maagang pamasko mula kay Willie Revillame sa programa niyang Wowowin.
Kahit via FB page at YouTube lang ito, tumutok pa rin ang mga solid viewers-followers ng Wowowin.
Nagsimula noong Lunes at hanggang ngayong Biyernes ay patuloy si Willie sa pamimigay ng aginaldong pamasko. Kaya dapat na tutukan ang Wowowin na live sa FB page at YouTube Channel, 5 PM to 6:30 PM.
At least, hindi binigo ni Revillame ang kanyang mga followers at tumupad siya sa kanyang pangako na mamimigay ng pamasko ang Wowowin sa kanilang mga viewers.
Sa pagpasok ng taong 2024, abangan na lang ang pagbabalik sa ere ng Wowowin. May mga bagay pang inaayos ngayon kaya abang-abang na lang.





Comments