‘Di pa engaged, nagpo-promote lang daw ng endorsement… BEA, NABUDOL ANG MGA FANS SA SUOT NA SINGSING
- BULGAR

- Jun 28
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 28, 2025
Photo: Bea Alonzo - IG
Ginulat ni Bea Alonzo ang mga followers niya sa Instagram (IG) sa caption ng post niya dahil inakalang ikakasal na siya.
Bale ba, may suot na singsing ang aktres sa photo post niya, kaya hula ng mga netizens ay ikakasal na siya.
In capital letters pa ang post ni Bea na, “SAY I DO... to life, love, growth, gratitude, and new beginnings. Because every chapter begins with a choice—to open your heart, to evolve, and to shine from within.”
Kung tatapusing basahin, nagpo-promote lang pala si Bea ng jewelry endorsement niya, kaya natawa na lang ang mga nabudol.
Dapat daw talaga, binabasa muna nang buo ang caption bago kiligin at mag-react at marami sa mga followers niya ang kinilig upon reading the first line of her caption.
May nag-comment na kinilig siya nang ilang seconds at natigil lang nang mabasa ang buong caption. May nagsabi naman ng “Can’t wait ‘til the caption says... ‘I said I do.’ Practice muna kami now sa reactions.”
May mga comments naman na obvious hindi binasa nang buo ang caption dahil ang sabi, sana isikreto ni Bea ang mga ganap sa love life niya gaya ni Erich Gonzalez na may mga anak na pero hindi nababalita.
May mga nag-agree sa commenter, pero may nag-disagree rin dahil maganda pa rin daw na nagse-share siya sa ganap sa love life niya para updated ang kanyang mga fans.
May nagtanong naman kay Bea kung kailan uli siya gagawa ng series sa TV at pelikula.
May request naman na balikan niya ang pagba-vlog habang wala pa siyang TV at film project.
NAKIKIRAMAY kami kina Ice Seguerra at Liza Diño-Seguerra at sa brother ni Ice na si Juan Carlos Miguel sa pagpanaw ng mom ni Ice na si Mommy Caring Seguerra.
Madalas naming ka-chat sa FB Messenger si Mommy Caring na masipag magpadala ng mga sabi nga niya, ‘kung anik-anik’ na in fairness, malaking tulong, gaya noong mga kitchen hacks at pati pananahi.
Naka-chat pa namin si Mommy Caring nang mamatay ang fur baby niyang si Jonesy na bigla na lang daw sumuka. Humagulgol daw siya nang mawala ang alaga.
May isa pa siyang fur baby na mahal na mahal din niya. Mahilig mamintana si Fido na tiyak, mami-miss siya.
Last Thursday lang, nag-send ito ng item sa release ng single ni Ice na Shelter of the Broken (SOTB) this Saturday, June 28, na hindi na niya naabutan.
First single ang song sa album ni Ice na Being Ice (BI) sa August 8, 2025 under Star Music and Fire & Ice Productions.
Ten years in the making ang album, all original, kaya masaya at proud si Mommy Caring. Hindi pa man lumalabas ang album, marami na ang nagko-congratulate kay Ice at sayang lang na hindi na naabutan ni Mommy Caring ang mga magandang mangyayari sa release ng single at album ni Ice.
Rest in peace, Mommy Caring.
MARAMI palang nagmamahal na Encantadiks kina Mikee Quintos at Kate Valdez na gumaganap na Lira at Mira sa Encantadia at may special participation sa Sang’gre.
Nagalit ang mga fans nang mamatay nu’ng Thursday episode ng series ang karakter ng dalawang aktres.
Sabi ng Encantadiks, tanggap nila na mamamatay sina Lira at Mira dahil nasa trailer daw. Hindi lang nila inasahan na mabilis na mawawala ang minahal nilang mga diwani.
Wala man lang daw mahabang moment si Mira at ang ina niyang si Pirena (Glaiza de Castro).
Sa kaso ni Lira, hindi man lang daw nito nakasama ang ama na si Ybarro (Ruru Madrid) at wala siya sa burol nito.
Ganu’n ka-observant ang mga fans at alam mong sinusubaybayan nila ang fantaserye.
Nauna nang namatay ang mga karakter nina Ruru, Rocco Nacino at Michelle Dee. Sino raw ang susunod na papatayin?
Kahit ipinaliwanag ng concept creator at headwriter na si Suzette Doctolero na bagong istorya ang Sang’gre kaya hindi naka-focus sa ibang original characters ang takbo ng istorya nito, masakit pa rin sa Encantadiks na makitang pinatay ang mga karakter ng Encantadia na kanilang minahal.
Wala na raw pag-asang makabalik pa ang mga namatay na karakter sakaling magkaroon uli ng bagong bersiyon ng Encantadia. Paano pa raw nila mapapanood sina Lira at Mira?










Comments