'Di naman daw sila magkaaway… NADINE, GAME MAKASAMA ULI SI JAMES
- BULGAR
- Nov 25, 2022
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 25, 2022

Willing na willing si Nadine Lustre na makatrabaho pa ulit ang dating boyfriend at ka-love team na si James Reid. Isa ito sa mga naitanong sa kanya sa mediacon ng Metro Manila Film Festival 2022 movie niya na Deleter.
“We will see. We don’t know what to expect. That’s what I’ve been telling everyone. If it’s a good project, why not? I’m a very collaborative person. Hindi naman kami magkaaway,” sey ni Nadine.
Natanong din siya kung ano ang reaksiyon niya sa mga JaDine fans na patuloy na umaasa na sila pa rin daw ni James ang magkakatuluyan sa ending.
Sagot ni Nadine, “(Year) 2023 na po. It’s time for us to start a new chapter.”
Samantala, aminado si Nadine na napagod daw siya shooting Deleter. Pero sobrang excited siya na mapapanood na siyang muli sa mga sinehan. Ang last film pa niya na ipinalabas sa cinemas ay ang Indak noong 2019.
“Excited ako na makapanood ulit sa sinehan. Wala pa po kasing chance na makapanood even though matagal nang nagbukas ulit ang mga sinehan. I’m really excited for that. And excited po ako na makita ng mga Filipinos ‘yung pelikula namin,” she said.
Bukod dito, first full-length horror film niya ang Deleter at sobrang ikinatuwa nga niya na nakapasok pa ito sa MMFF.
“We’re very surprised na kasama siya sa MMFF kasi parang nu'ng una, wala siya sa plan or baka hindi ko lang alam. Pero we’re really, really excited po, we’re really looking forward,” sey ni Nadine.
Showing on Christmas Day, Dec. 25, kasama rin sa Deleter sina McCoy de Leon, Louise delos Reyes and Jeffrey Hidalgo.





Comments