top of page
Search
  • BULGAR

'Di naman daw pera ang habol… HIRIT NA PRENUP NI BEA, INSULTO KAY DOMINIC

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 30, 2022




Iba-iba ang naging reaction ng mga netizens sa naging pahayag ni Bea Alonzo sa kanyang vlog na gusto niyang magkaroon sila ng prenup agreement ng BF niyang si Dominic Roque kapag nag-decide na silang magpakasal.


Ginawang isyu ito ng ilang fans na kampi kay Dominic dahil hindi naman daw ang pera at yaman ni Bea ang habol ng aktor sa GF. Hindi naman daw pipitsuging lalaki si Dominic. May kaya ang pamilya nito at may mga negosyo na ring kumikita nang malaki.


Hindi lang sa showbiz nakadepende si Dominic Roque. Marami siyang naipundar na properties at kayang bumuhay ng pamilya.


May mga nagsasabi naman na tama lang na maging praktikal sa buhay si Bea dahil malaki ang naging hirap niya upang makapagpundar ng mga properties. Hindi naman niya minemenos ang kapasidad ni Dominic Roque.


Well, sa panahon ngayon, hindi na big issue ang prenup agreement. Marami nang showbiz couples ang gumagawa nito tulad na lang nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.


Pero may ilang grupo ng kalalakihan naman ang nagsasabing malaking insulto sa kanilang pagkatao kung ang babaeng kanilang pakakasalan ay hihiling ng prenup agreement.


Anyway, mukhang open-minded naman si Dominic Roque at okey lang sa kanya ang prenup agreement if ever na hilingin ito ni Bea.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page