top of page
Search
  • BULGAR

'Di naman daw nakakalalaki… CHIZ, TANGGAP NA MAS MALAKI ANG KITA SA KANYA NI HEART

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 10, 2022



Sa bagong episode ng Adulting with Chiz YouTube vlog ni Heart Evangelista kasama ang mister na si Chiz Escudero ay nagbahagi sila ng ilang personal na bagay about their relationship.


Isa nga sa mga sinagot nila ay kung binibigyan ba ni Chiz ng allowance si Heart kahit na nga ba kumikita ng sariling pera ang aktres.


“Yes,” ang sagot ni Chiz.


Agree naman si Heart at papuri pa niya, “Such a good husband.”


Hirit naman ni Chiz, “For basics, not for the luxuries.”


Sabi uli ni Heart, “I know, I know.”


Pero minsan ay nakakagastos pa rin daw siya ng higit sa allowance na ibinibigay ng mister.


“Yes, he does give me allowance naman. For essentials like food, especially because I travel with a lot of people, ganyan. Gas. Saka may konting leeway naman siya. Pang-Zara-Zara lang ba. So, happy tayo diyan,” sabi ni Heart.


Inamin din ni Chiz na mas malaki ang kinikita ng kanyang misis kaysa sa kanya and for him, hindi naman daw ito sampal sa isang lalaki.


“Hindi dapat pinepersonal na ‘yan ngayon. Pero noong sinaunang panahon siguro, parang ‘ika nga, nakakalalaki ‘yung babae, parang ganu’n. Noon, may ganu’n pa. Pero ngayon, wala nang ganu’n,” ani Chiz.


Nabanggit nga rin nila na wala silang joint account dahil may pre-nuptial agreement nga sila.


Pagdating naman sa paggastos na noon pa naman ay very vocal sila na si Heart talaga ang mas mahilig mag-shopping at gumastos nang malaki, aminado si Chiz na malaki na rin ang in-improve ng misis.


“Yes, you’ve improved but not yet there,” he said.


Katwiran naman ni Heart, “Because I’m still working. If I’m not working as much, then I’ll adjust my lifestyle.”


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page