'Di naman daw celeb… LEA, AYAW PALAPITAN ANG ANAK SA MADLANG PIPOL
ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 20, 2023

Parang kailan lang, ang liliit pa ng mga anak nina Lea Salonga at Claudine Barretto.
Babae ang anak ng Broadway actress-singer, samantalang boy naman ang kina Claudine at Raymart Santiago.
Ngayon nga ay dalaga't binata na ang kanilang mga anak na muling nasilayan ng publiko. Ang mga lumabas na teenage photos nina Nicole Beverly Chien at Rodrigo Santino Santiago ang patunay sa napakabilis na takbo ng panahon.
Isinama ni Lea ang anak nang um-attend siya ng 2023 Olivier Awards na ginanap sa Royal Albert Hall sa London, England kamakailan.
Nagulat ang publiko nang muli nilang masilayan ang anak ni Lea, ang liit pa kasi nito noon na laging kasama ng actress-singer kapag siya ay may show.
Mahusay din daw kumanta si Nicole na siguradong minana niya sa kanyang ina.
Pero, sinabi na noon pa ni Lea sa isang interbyu na "Made of tough stuff" ang kanyang unica hija.
"For me, it's like, I wish I could just tell people, 'Please leave her alone.' She's not a celebrity.
Huwag n'yo siyang lapitan kasi iirapan niya kayo. She will not always be the nice person and she will be immediately suspicious of you," pagsasalarawan ni Lea noong 11 years old pa lang ang anak, ayon kay Jojo Gabinete ng PEP.ph.
Samantala, male version naman ni Claudine ang anak na si Santino. Ipinost ni Claudine ang larawan ng anak sa kanyang Instagram account.
"Guwapo" at "Mukhang K-pop star" ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa hitsura ng anak ni Claudine.
Sey naman ni Claudine, nangako raw siya kay Santino na hindi niya ilalabas ang kanilang larawan, ngunit hindi siya nakatiis.
Ang caption ng aktres, "Wow! Finally he agreed to have his picture taken with me. I promised not to post this though."
Sa larawan ay tila masasabing mahiyain ang anak nila ni Raymart.
Talagang napakabilis ng panahon. Sa mga susunod na araw, mababalitaan na lang natin na ang mga batang ito ay magsisipag-asawa na at ang ipo-post naman na mga larawan nina Lea at Claudine ay hindi na ang kanilang mga anak, kundi ang kanilang mga apo na.





Comments