‘Di nakipagtsikahan sa press… HEART, TODO-IWAS MAGPAINTERBYU SA FLOOD CONTROL ISSUE NI SEN. CHIZ
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | June 2, 2026

Photo: IG _iamhearte
May usap-usapan na umiiwas si Heart Evangelista na mainterbyu nang solo pagkatapos ng mediacon ng game show nila ni Sean Lucas sa GMA-7.
Ayon sa ilang entertainment press, maigsi lamang daw ang Q&A kaya nais pa sana nilang makatsikahan ang Kapuso actress.
Agad daw kasing umalis si Heart at bumalik sa dressing room kaya hindi na siya nakapanayam nang paisa-isa ng mga miyembro ng media.
Dahil dito, may ilang entertainment reporters na nag-isip na baka umiiwas si Heart sa mga tanong tungkol sa mga kontrobersiyang nauugnay sa kanya at sa kanyang mister na si ex-Senate President (SP) Chiz Escudero na sangkot sa isyu ng flood control at korupsiyon.
Ayon naman sa production team, kailangan lamang talagang umalis ni Heart Evangelista dahil maghahanda pa siya para sa isa pang shoot na nakatakda pagkatapos ng media launch.
‘Yun na!
IBINAHAGI ni Lian Paz ang kanyang larawan ng pagtatapos mula sa Cebu Institute of Technology University (CIT-U).
Inamin ng dating dancer-actress na minsan niyang naramdaman na tila hindi na niya mararanasan ang mga planong inilaan ng Diyos para sa kanya.
Aniya, “‘Di ko masabi ang tamang mga salita kung paano ko mapapasalamatan si Hesus para sa Kanyang katapatan sa buhay ko.
“Grabe ka, Lord. Lahat ng sinira ko, ginulo ko, inayos Mo. Habang lalo kong nakikita ang pag-ibig ni Hesus, ang pamantayan kung sino ako dapat para sa Kanya ay tumataas. Binigyan Niya ako ng layunin. Isinusulat Niyang muli ang kuwento ng aking buhay at palagi itong binibigyan ng pinakamagandang plot twist!”
Prangka rin niyang ibinahagi na dati niyang iniisip na huli na ang lahat para matupad niya ang kanyang pangarap.
Sey ni Lian Paz, “I thought I already missed out on the plans na mayroon si Lord para sa akin, pero Siya ang author ng buhay ko. Jesus, You redeem every part of me that is broken. You made me whole again and again.”
Dugtong pa niya, “Itong diploma, I dedicate to honor my parents. Sorry, Dad, na-late po. I know you see it from up there. To my lola na itinuring kong nanay ko, alam ko, isa ka sa pinakamasaya. My heart aches na wala ka na, but I know, like Dad, nakita mo ‘to. My mom, here’s another treasure for you.”
Hindi rin niya nakalimutang magbigay ng mensahe sa kanyang mga anak.
Sinabi niya, “To my kids, Xonia, Xalene and Niña, kayo ang best part of this graduation. Who would have thought na this milestone, you will be able to witness? I cannot contain the joy that God gave me. Imagine, kasama ko kayo on this journey? How wonderful!”
Congratulations, Lian Paz!
Kahit kalat na…
JULIA, TIKOM ANG BIBIG SA ENGAGEMENT DAW KAY LUCAS LORENZO
TRENDING ngayon ang pasabog ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update hinggil sa umano’y engagement ni Julia Barretto at ng rumored non-showbiz boyfriend nito na mula sa mayamang pamilya na si Lucas Lorenzo.
Ayon sa source ni Ogie, pormal nang engaged ang dalawa.
Kung matatandaan, matagal nang usap-usapan ang kanilang relasyon dahil madalas silang maispatang nagdya-jogging at nagdi-dinner nang magkasama sa Makati.
Ang balitang ito ay wala pang kumpirmasyon mula sa dalawang personalidad.
Kung sakaling totoo ang engagement, lalo pang titibay ang koneksiyon ng mga pamilyang Barretto at Lorenzo.
Ang kapatid ni Lucas na si Mateo Lorenzo ay mister ni Erich Gonzales, habang ang isa pa nilang kapatid na si Basti Lorenzo ay mister naman ng kapatid ni Julia na si Claudia Barretto.





Comments