‘Di nakatiis, napamura na sa hearing sa Senado… JOHN: MGA SENADOR, T*NGA AT BOBO ANG TINGIN SA MGA PINOY
- BULGAR

- Jun 12
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 12, 2025
Photo: John Arcilla - IG
Napamura si John Arcilla sa nangyaring pagdinig ng Senado sa impeachment complaint kay VP Sara Duterte last Tuesday.
Para kay John, mga t*nga at bobo ang tingin ng mga senador sa mga Pinoy.
Sa kanyang statement na ipinost sa X (dating Twitter) kahapon, kitang-kita ang sumisiklab na emosyon ni John.
Aniya, “Dumb, Dumber, Dumberer, Dumberest and Dumberestest. Nakakap***ng-ina.
“Ang nakakakilabot, merong alam mo na hindi naman talaga TANGA pero nagtatanga-tangahan kasi TANGA at MANGMANG ang tingin nila sa mamamayang Pilipino.”
Ibinalik kasing muli ng Senado sa House of Representatives ang impeachment complaint kay Vice-President Sara Duterte, kaya instead na maumpisahan na ang pagdinig, mas tatagal pa.
Sinang-ayunan si John ng mga netizens sa mga sinabi niya sa kanyang post:
“Totoo po. ‘Yun ang mas nakakapikon, nagtat*nga-t*ngahan sila para pumabor sa kanila ‘yung narrative.”
“That’s why many people should rewatch Heneral Luna this Independence Day. PI, not in the way the former president says it, but the way your character said it.”
“Sad reality. Frown.”
May panawagan din ang mga netizens sa samahan ng mga aktor sa bansa:
“Sana ang Actors Guild KAPPT, magkaroon ng statement kina Robin Padilla at Lito Lapid, na ‘wag namang idamay ang buong bansa sa mga kabobohan nila. Puwede naman kasing mag-YouTube (YT) na lang or ma-feature sa Julius Babao ang mga laos, bakit naman kasi kailangan pang magpulitiko, susmaryosep.”
Ganern?
Impeachment kay VP Sara, idine-delay…
ROMNICK SA MGA SENADOR: BAKIT TAKOT NA TAKOT KAYONG MARINIG NG MGA TAO ANG KATOTOHANAN?
Hindi nag-iisa sa kanyang sentimyento sa Senado si John Arcilla. Maging ang kapwa niya mahusay na aktor na si Romnick Sarmenta ay hindi rin nagpigil na ilabas ang kanyang pananaw sa nangyari sa Senado last Tuesday.
Inilahad ni Romnick sa X ang kanyang opinyon sa naganap na session sa Senado.
Post ni Romnick, “Bakit takot na takot kayong marinig ng mga tao ang katotohanan? Magugunaw ba ang mundo kapag naisiwalat ang mga kasamaan? At kung gayon… Mundo ba namin, o mundo ninyo?”
Isa si Romnick sa mga open din sa paglalabas ng kanyang pananaw sa nangyayari sa bansa, especially sa gobyerno.
Well, may mga umayon sa pananaw ni Romnick.
Reaksiyon ng mga netizens…
“I absolutely agree with you, idol!”
“Obvious na mundo nila. I don’t expect something from DDS senators. Pero sa iba like Chiz... ewan!”
“Ang galing mo talaga, idol. Isa ka sa mga artistang may sense magsalita. Salute. Thumbs up.”
Pero meron ding nang-bash sa kanya:
“Isa ka pa! Umiyak-iyak ka na lang… May bahid nga ng maling proseso ‘yung niluto na impeachment bilang senador ang judge. S’yempre, gusto mo maayos ang proseso... may plano raw kasi ang mga demonyong nasuhulan. Nakikinig at nanonood ka ba? O nanghuhula?”
“IYAK PA! Wahahaha!”
“Bakit umeepal ang ‘di na sikat?”
So there.










Comments