top of page

‘Di nakatiis, nag-post sa FB… SUNSHINE, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA BINUBUGBOG NI ATONG ANG KAYA NAKIPAGHIWALAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 3
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 3, 2025



Photo: Atong Ang at Sunshine Cruz - IG


Pumalag si Sunshine Cruz sa fake news tungkol sa kanila ni Atong Ang na diumano ay binubugbog siya ng BF na negosyante kaya siya nakipaghiwalay dito, bukod sa nasasabit pa ngayon si Atong sa isyu ng mga nawawalang sabungero.


Nilinaw ng aktres ang kumakalat na maling balita sa social media sa pamamagitan ng paglalabas ng screenshots at pagtawag dito bilang ‘fake news’.


Ipinaalala ng aktres sa publiko ang kahalagahan ng pagiging mapanuri sa mga impormasyon sa internet, at hinimok ang kanyang mga followers na huwag basta-basta maniwala, lalo na kung hindi mapagkakatiwalaan ang pinagmulang site.


Nagbigay din si Sunshine ng tips kung paano matutukoy ang pekeng balita at kung paano ito dapat i-handle, sa layuning mapalawak ang kamalayan ng publiko tungkol sa responsableng paggamit ng social media.


Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta sa aktres at gayundin ng pagkadismaya, habang ang dating asawang si Cesar Montano ay nagsabing masaya siya para kay Sunshine at suportado ang kanyang kasalukuyang relasyon.


Hindi na nagpaliguy-ligoy si Sunshine sa pagsagot sa mga kumakalat na maling balita tungkol sa kanya at kay Atong.


Aniya sa kanyang post, “Sharing misinformation is not advisable, especially if the news comes from a questionable site. Be vigilant family and friends.” 


Sa comments section ng kanyang post, maraming netizens ang nagpahayag ng

suporta at galit sa mga gumagawa ng maling balita.


May isa pa nga ang nagkomento, “It’s all about the money for the sake of views… mas marami ang fake news kesa tunay. Only in the Philippines. Sad.”


‘Di na naghanap ng kapalit ni KC… PIOLO, 13 YRS. NANG WALANG DYOWA, SANAY NA


Nasa late 40s na ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual pero nananatiling single pa rin after ng relasyon nila ni KC Concepcion years ago.


Ang isyung sila noon ni Shaina Magdayao ay wala umanong katotohanan dahil magkaibigan lang daw sila.


Pagsisiwalat ni Papa P sa isang vlog, nag-e-enjoy siya sa pagiging single for 13 years. Hindi naman aware ang aktor na sa bawat ginagawa niyang project ay hindi ito nakakaligtas na maisyu sa mga nakakatrabaho niyang aktres.


Nakangiting sagot ni Papa P, “Wala naman, eh. May love life ba ako? Ang tagal na rin, eh, ‘di ko na alam ‘yung love life. Napaisip ako doon, ah!”


Paliwanag niya, sa mahabang panahon na pagiging single ay hindi siya naghanap ng girlfriend dahil nae-enjoy naman daw niyang mag-isa na walang commitment.

Dumating na rin daw sa puntong nasanay na siyang walang karelasyon, at prayoridad na lang niya ang trabaho at pamilya.


Saad ni Piolo, “Naalala ko sinabi sa akin ni Pastor Julius, the more you stay single, the more you’re gonna enjoy it, the more you’re not going to look for it.


“For 13 years, single ako. Love life ko talaga ‘yung trabaho ko, eh.”


Sundot na tanong, “Ayaw mo na ng full-on commitment?”


Sagot niya, “Not for now. I mean, you know, I’m at a point in my life… busy pa ako sa career ko. Totoo kasi, you know, I love being single. I don’t see the point of being with someone, especially now, because I’m so busy with work. I’m always with friends. I’m always with my family.


“And it’s not something that, you know, I look for because nasanay na, eh.”


Hindi naman daw ibig sabihin na isinasara na ng aktor ang kanyang puso sa posibilidad na makahanap ng babaeng habambuhay niyang mamahalin. 

got sa tanong kung ano’ng qualities ang gusto niya sa babae, pagbubunyag ni Piolo, “Christian muna. Dapat Kristiyano ka. Dapat family-oriented. Tapos, s’yempre, dapat mabait, hindi ‘yung full of herself, ‘di rin ‘yung me, myself and I.”


Samantala, ayaw na raw niyang pahabain ang tungkol sa tanong kung ano ang real score sa kanila ni Shaina Magdayao.


Aniya, “It’s just the same. I guess, it’s better not to talk about it. Let it just die down because it’s been so many years, and we always say the same thing.


“I guess, for now, wala… ‘yun na iyon. What you see is what you get, as simple as that.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay ang pagkaka-link sa dalawa, gayung si Shaina ay kagaya rin ni Piolo na single.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page