'Di nakatiis… DOMINIC, SUMUNOD KAY BEA SA ITALY
ni Nitz Miralles - @Bida | November 1, 2022

'Kaaliw ang mga comments sa pagkikita nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa Italy.
Hindi rin nakatiis si Dominic na hindi makita ang “Hun” niya, kaya lumipad pa-Italy at doon sila nagkita.
Ang nakalagay na location sa Instagram ni Dominic ay nasa Milan, Italy siya at baka namasyal pa sila ni Bea sa ibang parte ng bansa.
May nag-comment pa na ang daming pera ni Bea pang-travel dahil kapag may free time, nagta-travel sila ni Dominic. Espesyal lang ngayon ang travel ni Bea dahil kasama niya ang kanyang pamilya sa Spain at iba pang parte sa Europe.
Saka, marami talaga siyang pera, nag-ipon nang pang-travel at para makabili ng apartment sa Madrid na siguradong milyones ang halaga. Dinala rin nito ang mom niya sa Lourdes, France at sabi ni Bea, “First time in Lourdes, and I know we will be back with the rest of our family. Prayed for mom’s healing.”
Matagal-tagal pa sa ibang bansa si Bea, pero hindi siya nami-miss ng kanyang mga fans dahil Monday to Friday siyang napapanood sa Start-Up PH na papunta pa lang sa most exciting part ng story.





Comments