top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Di nagyayabang… SHARON, IPINAKITA LANG DAW SA TAGA-HERMES ANG LAHAT NG BINILI SA LV

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2022
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 28, 2022



Nilinaw ni Sharon Cuneta na hindi masama ang loob niya na hindi siya pinapasok sa Hermes store sa South Korea na matatandaang naging kontrobersiyal kamakailan matapos niya itong ilabas sa kanyang vlog ilang linggo na ang nakararaan.


Sa latest vlog ni Sharon na Mega Unboxing-Seoul Haul na in-upload niya last Wednesday, once and for all ay nagbigay ng paglilinaw ang Megastar tungkol dito at idinetalye na rin niya ang nangyari.


“Once and for all, sinabi ko na sa Instagram, parang wala pong nakikinig, walang nagbabasa, kasi paulit-ulit, ang kulit-kulit,” aniya.


“Once and for all, sabihin ko lang po, I know, of course I know that you need an appointment with an Hermès boutique before you can go...


“Because I tried in the States and I didn't have the time to go, so I didn't go. Anyway, and usually kami pong mga artista at iba pang tao, hindi lang po artista, pero maraming artista po kami na we have our own personal shopper.


“Lahat po ng bags ko, kahit ano'ng tatak — kesyo Chanel, ke Hermes, ke Louis Vuitton, sila po ang nagpapadala sa akin ng pictures, kung ano'ng bago. Kahit ano pong tatak 'yan at minsan po, nakaupo lang ako, mine-makeup-an ako, nagsa-shopping na po ako nu'n ng kahit ano'ng gusto ko,” paliwanag niya.


Paglilinaw ni Mega, hindi talaga siya nagalit nang hindi siya nakapasok sa Hermes.


“I just wanna say hindi po ako nagalit nu'ng 'di ako pinapasok sa Hermès, dahil nagbakasakali lang po ako na baka naman puwede, because usually 'pag konti lang naman ang clients sa loob, 'yung shoppers, they sometimes let you in.


“So, nagbakasakali lang ako, cause I just really wanted a belt because, I really truthfully do not need anything more from Hermès that I don't already have. Okay na po ako sa mga bags ko, wala akong type na bagong kulay, so okay na po ako. 'Yung iba, hindi ko pa nagagamit, so hindi po ako nao-offend,” she said.


At lalong wala raw kasalanan ang guard dahil naiintindihan niya ito.


“Naintindihan ko agad 'yung guard, wala namang kinalaman 'yung guard. Ba't naman sasama ang loob ko?” aniya.


Sinagot din niya ang naging akusasyon sa kanya ng ibang netizens na nakapanood sa video niya na mayabang siya.


“Nagkataon lang, heto ang Louis Vuitton sa tapat niya, heto 'yung Hermès, ayan, nakakita na naman ako ng mga kulay na dati, hindi ko nakikita sa Louis Vuitton.


“Napabili nga po ako doon. So paglabas namin, hindi rin ako nagyabang. Sabi ko, 'Yes, I cannot go? Cause, look I buy everything,' ginanu'n ko lang siya, pero nakangiti ako. Tapos, 'yung isiningit po ng editor ko (sa vlog), 'yung parte ni Julia Roberts sa Pretty Woman. Sa mga Sharonian po, nakyutan sila ru'n, it was cute. It wasn't meant to offend anyone.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page