top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

'Di nagsusustento sa 3 anak... SIGAW NG NETIZENS: PAOLO, TODO-PALUSOT, KASUHAN!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | January 31, 2023




Durog na durog ang aktor na si Paolo Contis sa mga netizens dahil sa pag-amin niyang hindi siya nagbibigay ng sustento sa tatlong anak niyang babae na sina Xonia, Xalene at Summer.


Sa panayam ni Paolo sa Fast Talk with Boy Abunda ay inilahad niyang hindi nga siya nagpapadala dahil may mga rason daw siya na hindi na niya binanggit.


Ang importante ay nag-iipon naman daw siya para sa tatlo, na ibig sabihin, kapag kumikita siya ay naglalagay siya sa bawat bank account nina Xonia at Xalene (mga anak niya kay Lian Paz) na pawang mga dalaga na, samantalang si Summer ay nasa poder naman ng inang si LJ Reyes na naninirahan sa USA.


Inamin din ni Paolo na ang biggest fear niya ay magalit sa kanya ang tatlong anak na babae dahil hindi siya nakasama ng mga ito sa kanilang paglaki.


Isa sa mga nag-react sa pahayag na ito ni Paolo ay ang tinaguriang lalaking Marites na si Xian Gaza na kapareho rin ng sitwasyon ng aktor, nasa kani-kanilang ina ang dalawa nitong anak na batang lalaki at babae.


Nag-post si Xian sa kanyang Facebook account ng open letter niya para kay Paolo Contis.


"OPEN LETTER TO MR. PAOLO CONTIS


“This message is not from a point of hate but from a point of a man na kaparehas mong may dalawang ex na naiwanan ng anak.


“I understand kung bakit hindi ka nagbibigay ng sustento because you have your personal reasons. Maaaring lulong sa sugal si babae or sinusunog lamang niya ang pera sa mga luho o baka naman may lalaki siya na pinagkakagastusan.


“Hindi napupunta sa kapakanan ng mga anak mo 'yung pera. Those are the possibilities.


Nauunawaan kita. That's why pinili mo na lang mag-ipon ng separate savings account para sa mga bata dahil wala kang tiwala sa dalawang babae. I understand that.”


Kasunod nito, ibinahagi ni Xian ang kuwento niya tungkol sa nanay ng anak niyang babae na hindi okay ang komunikasyon nila.


“Let me share to you this short story.


“Way back November 2021, nag-away kami nu’ng nanay ng babae kong anak. Social media drama. Siniraan niya 'ko sa publiko without a proper basis. Post-partum depression. Her mental health is not okay that time. We didn't communicate for 8 consecutive months hanggang sa nag-reach out na lang siya sa akin at humingi ng tawad.


“From December 2021 to July 2022 na hindi kami nag-usap, my lawyer is sending a regular sustento to her bank account every first week of the month.


“Ano 'yung point na gusto kong tumbukin?


“Paolo, no matter what issues you have with their moms, kesyo hindi napupunta sa tama ‘yung sustentong ipinapadala mo, obligasyon mo pa ring magpadala ng fixed amount every month para sa araw-araw na gastusin ng mga bata.


“Kung saan ito gagastusin ni babae, eh, is not your problem anymore. Labas ka na ru'n.


Diskarte na nila 'yun. Iniwanan natin sila ng mga anak na papalakihin nang ilang taon at araw-araw aalagaan habang tayo ay nagbubuhay-binata, eh, that's the least that we can do for them.


“Sobrang hirap maging ina, jusko!


“Regular sustento na lang sana."


Ang ilan sa mga nabasa naming komento na umabot sa mahigit limandaan…


“Kelan ka magbibigay sa kanila, kung kaya na nilang maghanapbuhay? For sure, tatanggihan na nila ang ibibigay mo, 'di na nila kailangan. Ayaw mo ng hate? Ano'ng gusto mo, matuwa sa pinaggagawa mo?


“Walang batas-batas sa kanya, takot magalit ang mga anak pero 'di ginagawa obligasyon bilang magulang. nakakalungkot isipin.”


Opinyon naman ni @Ramil Artuz, “Sana makasuhan 'yan para madala.”


Say naman ni @Akeesha Danise Bonilla, “Correct, takot ka palang 'di ka kilalanin ng mga anak mo, eh, ba't hindi ka nagbibigay ng sustento? Alam mo bang kahit mapera pa siguro ang nanay ng mga anak mo, pero iba pa rin ‘yung galing sa 'yo nang maramdaman man lang ng anak mo na kahit absent ka physically pero ramdam naman nila ang supporta mo bilang ama.”

Inayunan ni @Yolanda Rojano Cayas ang sinabi ni Xian, “Korek, walang kinalaman ang mga anak mo sa issue nu'ng mga babae, obligasyon mong sustentuhan ang mga anak mo.”


May nagsabi pa ngang magpasalamat si Paolo dahil hindi siya kinasuhan ng dalawang nanay ng mga anak niya.


Bukas ang BULGAR sa panig ni Paolo Contis.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page