top of page
Search
  • BULGAR

'Di nagmana sa tatay na astig… MALE CELEB NA UTOL NG SIKAT NA AKTRES, GIRL NA GIRL KUMILOS

ni Janiz Navida @ShowbizSpecial | August 21, 2023


BLIND ITEM:


Ewan kung aware ang isang male celeb na kapatid ng sikat na young actress na inoobserbahan siya ng ilang bisita sa isang showbiz gathering dahil sa kanyang malambot na kilos at mga hand gesture na galawan ng mga kabilang sa LGBT community.


To be fair sa male celeb, hindi naman siya ganu'n ka-loud sa pagiging pa-girl at discreet pa rin naman. 'Yun nga lang, sadyang lumalabas pa rin ang kanyang 'natural self' at mababasa nga sa galaw ng kanyang mga kamay at pagkilos ang pagiging 'mahinhin'.


Matangkad ang male celeb kaya talaga namang agaw-pansin siya sa naturang showbiz gathering.

Ang tanong tuloy ng ilang Marites na nag-oobserba sa mga kilos ng male celeb, alam kaya ng kanyang astig na tatay na aktor na may kalambutan ang kanyang unico hijo at tanggap kaya niya ito?


Well, wala namang problema kung 'yun ang sexual orientation ng male celeb. Hindi mo naman ito masisisi dahil puro girlash ang mga ate niya at baka lumaki kasi siya na ang mga ito ang kasa-kasama kaya naimpluwensiyahan siya.


Ang mahalaga naman, hindi nagdadala ng kahihiyan sa pamilya ang male celeb at mukhang smart pa nga ito tulad din ng isang dating child actor na tuluyan nang nagladlad at very much happy ang love life ngayon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page