top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Di nagkatuluyan noon… CLAUDINE AT MARK, PINAG-USAPAN ULI ANG PAGKAKAROON NG ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 13, 2022




After 27 years ay muling nagsama sa isang pelikula ang dating magka-love team at magkarelasyong sina Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez.


Bibida ang dalawa sa drama-mystery film na Deception ng Viva Films at Borracho Film Productions mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.


Ang huling pelikula pa nilang ginawa together ay ang Mangarap Ka in 1995 at matagal na ring nagre-request ang kanilang mga fans na magkaroon sila ng reunion movie.


Ayon kina Mark and Claudine ay hindi raw sila nagdalawang-isip nang i-offer sa kanila ang pelikula.


“No second thoughts,” sey ni Claudine sa digital mediacon last Tuesday, “Matagal ko na siyang gustong makatrabaho.”


Wala rin daw ilangan sa kanila habang ginagawa ang pelikula.


“Walang ilangan. Nag-uusap kami kung ano'ng gusto naming gawin sa scene and happy ako.


Kasi, ano pa bang puwedeng hingin? Si Direk Joel na ‘yung direktor, tapos si Mark pa (ang kasama), so ang laki-laking pasasalamat ko sa Borracho Films at sa Viva,” sey ni Claudine.


Ayon naman kay Mark, na-excite raw siya more than anything dahil matagal na nga raw sila dapat gagawa ng pelikula pero hindi matuluy-tuloy.


“Buti ngayon, natuloy na, and natsambahan naman namin itong script na ‘to,” he said.


Natanong din ang dalawa kung nag-throwback ba sila sa kanilang past habang ginagawa ang film at napag-usapan ba nila kung paano kaya kung nagkatuluyan sila.


Aminado naman sila na napag-usapan nila talaga ito at sey nga ni Mark, masaya siya na close sila ulit ni Claudine.


“Hindi man kami nagmamahalan bilang lovers, bilang magkaibigan, bilang acquaintance, ako, natutuwa pa rin akong nakakausap siya, ganu’n din siya sa akin.


“Pero iniisip ko rin, kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang hitsura ng anak namin? Alam mo ‘yun?” ani Mark.


Sey ni Claudine, “Napag-usapan namin ‘yan, actually. ‘Pa'no kung nagkatuluyan tayo? Ilang taon na ‘yung anak natin?' Kino-compute pa namin.”


Biglang hirit ni Mark, “Pero para sa akin, hindi pa huli ang lahat, alam mo ‘yun? Kung anuman ‘yun. Kasi bata pa naman si Boss Clau, eh. Alam mo ‘yun? Depende sa sitwasyon, alam mo ‘yun? Kung biglang may access ako na makaligaw sa kanya, bakit hindi?”


When asked kung mahal pa niya si Claudine, ayon kay Mark ay mananatili raw siyang may crush sa ex-girlfriend.


“Yes, I still love Claudine, as an actress, as a friend. Crush-wise, hindi mawawala ‘yung pagka-crush ko sa kanya. Kahit ano pa ang situation. Basta lagi ko siyang crush,” pag-amin ni Mark.


Streaming na sa Vivamax ang Deception on Jan. 28. Bukod sa reunion movie ito ng tambalang Mark-Claudine, comeback film din ito ng aktres after 6 years.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page