'Di na tatawaging manang… BEA, NAGMUKHANG BAGETS SA BAGONG BUHOK
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 10, 2022

Maraming fans ang type na type ang latest look ngayon ni Bea Alonzo. Mas gumanda at mas bumata raw ang hitsura ni Bea. Nagmukha siyang Pinoy version ng Hollywood actress na si Julia Roberts.
Bumagay din ang curtain bangs sa kanyang mukha. At mukhang magaling ang nakuhang stylist ngayon ni Bea dahil bumagay ang mga ginawang pagbabago sa kanyang hitsura.
May tsika naman na ang “new look” na ipinost ni Bea sa social media ay ang kanyang magiging hitsura sa kanyang upcoming movie na gagawin.
Maging ang mga fans at supporters ni Bea ay natutuwa sa bagong image at makeover sa kanya.
Hindi na siya tatawaging Manang ng kanyang mga bashers.
Ibang-iba na ang magiging hitsura ni Bea sa kanyang mga roles na gagawin sa TV at pelikula.
Tulad ng kanyang guesting ngayon sa finale ng 20th anniversary presentation ng Magpakailanman na horror ang tema, ang Haunted Soul na idinirek ni Jerry Lopez Sineneng.
Drama Queen si Bea Alonzo pero isang malaking challenge ang kanyang pagganap sa kanyang character sa Haunted Soul.
Isa namang malaking karangalan para sa Magpakailanman na maging bahagi ng kanilang 20th anniversary ang isang magaling na aktres na tulad ni Bea Alonzo.





Comments