'Di na talaga ma-reach… BEA, BUMILI NG P30 MILYONG BAHAY SA SPAIN
ni Nitz Miralles - @Bida | November 23, 2022

Casual, pero nakangiting in-announce ni Bea Alonzo sa interview sa kanya ng 24-Oras na legal resident na siya ng Spain at may Golden Visa na siya. Ito ay pagkatapos niyang mag-invest ng almost P30 million sa real estate sa isang apartment sa Madrid. Hindi malinaw kung isang apartment lang ang P30M na ‘yun o may iba pa siyang investment.
“Kakauwi ko lang from Europe. The reason why I went there was because I wanted to get my Golden Visa to Spain, so am now a resident of Spain,” sabi ni Bea.
Ibinibigay daw ang Residency by Investment (RBI) program para sa mga banyaga na mag-i-invest sa real estate na abot more or less sa P30 million. Kung isang apartment lang ang P30M, maganda tiyak at pati ang location.

Hindi pa kasama sa P30 million ang furniture at appliances na inilagay ni Bea sa kanyang apartment at maging ang iba pang home decor. Sabi naman nito, sa Pilipinas pa rin siya mas mamamalagi nang matagal.
Anyway, napanood namin ang video ng Kapuso Fans Day nina Bea at Alden Richards na ginawa sa Gaisano Mall at Ayala Center — parehong sa Cebu — para i-promote ang last five weeks ng Start-Up PH.
Sa dami ng dumating na tao at sa lakas ng sigawan at palakpakan, obvious na na-miss ng mga fans na makita sa personal sina Bea at Alden.
Sunod na bibisitahin nina Bea at Alden ang Ayala Malls Abreeza sa Davao sa November 30, 5 PM. Makakasama nila sina Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi. Save the date raw!





Comments