ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 13, 2024

Tiyak na magre-react at hindi papayag ang mga fans nina Sarah Geronimo at Anne Curtis sa pahayag ng mga fans ni Kathryn Bernardo na ang kanilang idol ang most in demand product endorser ngayon dahil sa transformation ng personalidad ni Kathryn matapos ang breakup nila ni Daniel Padilla.
Dahil sa simpatya ng publiko ay mas sumikat s’ya nang husto, maraming malalaking endorsements ang dumating.
Gayunpaman, hindi payag ang mga fans nina Sarah at Anne na mapunta kay Kathryn ang korona bilang Endorsement Queen. Mas malawak kasi ang fan base nina Sarah Geronimo at Anne Curtis.
Comments