top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

'Di na raw pinapatulan… KARLA, PINAKAKASUHAN ANG MGA KUMAKALABAN KAY DANIEL

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 18, 2023
3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 18, 2023



Answered prayer para sa bagong tinaguriang "Mamalicious" na si Karla Estrada ang pagpili sa kanya ng TV5 para maging host ng nagbabalik na Face 2 Face, kasama ng stand-up comedian na si Alex Calleja, siyam na taon mula nang ito'y mamaalam sa ere.


Pag-amin ni Karla sa mediacon ng Face 2 Face kahapon na ginanap sa TV5 sa Mandaluyong, may iba siyang ine-expect na show mula sa network, pero mukhang hindi nga ito ang nakalaan para sa kanya.


Kaya nang biglang sabihin sa kanya na sila ni Alex ang magiging mga bagong hosts ng Face 2 Face kapalit ni Amy Perez, hindi makapaniwala ang nanay ni Daniel Padilla at hindi ma-explain ang ligaya dahil alam niyang bagay na bagay sa personality niya ang show.


At swak naman sila ni Alex bilang mga hosts at mediators ng show dahil bukod sa pareho silang aminadong "Marites" at "sawsawero", inamin din nilang nakaka-relate sila sa mga nag-aaway sa programa dahil ang ilang problemang tinatalakay nila sa show ay nangyari na rin sa kanila in real life.


Si Alex nga, kinantiyawan naming baka siya ang i-Face 2 Face ng kanyang 92-year-old na ina dahil sa ibinulgar niyang nalulong ito noon sa bingo kaya nalubog sila sa utang.


Nagtatago raw ang nanay nila noon at siya ang pinahaharap sa mga naniningil ng renta sa bahay at pati sa Meralco 'pag 'di sila nakakabayad.


Hindi rin naman ikinahiyang ikuwento ni Karla na ilang beses silang nagpalipat-lipat ng bahay noon kapag hindi sila nakakabayad, pero in fairness, hindi naman daw umabot sa puntong ipina-barangay na siya.


Samantala, dahil ang tagline ng nagbabalik na Face 2 Face ay "Isyu ay harapin, 'wag palakihin", tinanong namin sina Karla at Alex kung ano'ng isyung kinasangkutan nila sa showbiz ang hinarap nila at ano naman 'yung hindi na pinalaki pa?


Sey ni Alex, 'yung pag-aaway nila ng misis niya ang hindi na niya pinalalaki pa.



Sabi naman ni Karla, "Hindi ko na pinapalaki 'yung mga bashing. Oo, hindi ko na iniintindi 'yung mga 'yan, dahil ayoko nang lumiit ang mundo ko. Kahit anong magandang sabihin at kahit ano'ng magandang gawin mo, meron pa rin silang masasabi because kung ayaw ka nila, wala ka na rin namang magagawa ru'n."


Dagdag pa niya, "Bashing is wala talagang effect sa akin 'yan, na-master ko na 'yan nu'ng That's Entertainment pa.


Hahaha!"


Pero 'pag sangkot na ang mga anak niya, aaaay, du'n na raw nagiging dinosaur si Mama Karla!


"Hindi ko lang pinapalampas 'pag 'yung mga anak ko na 'yung bina-bash. 'Yan talaga, hinahanap ko 'yung mga bahay," pabirong sabi niya.


"Basta, dahil isa akong nanay na nagsakripisyo sa aking mga anak, ayoko talagang nababastos ang mga anak ko sa social media ng mga taong hindi naman talaga kilala ang aming pamilya. So, I think du'n talaga nagiging ano ako, ah, dinosaur. Hahaha!"


Pero wala naman daw pinatulan si Karla sa mga bashers kasi may mga abogado naman siyang nag-aasikaso sa mga ito.


"Ah, may mga abogado naman tayo, sila 'yung may mga nagawa. Hahaha! Hindi, may mga batas naman 'yan na para sa mga bashers, may mga cyber-libel cases or slander. So, siyempre, idinadaan pa rin natin sa… hindi naman puwedeng manggagaling sa mga kamay ko. 'Wag ko lang makasalubong. Hahaha!" birong pagbabanta pa ni Karla.


Anyway, simula sa May 1, mapapanood na ang Face 2 Face sa TV5, Monday to Friday, 11 AM, at gayundin sa One PH at 8 PM, available on Cignal Ch. 1, SatLite Ch. 1, and Cignal Play.



MOIRA, NAKIPAG-DATE NA SA GUY NA IAN ANG NAME



May nakapagtsika sa amin na nakakita ng video na ipinost ng isang kaibigan ni Moira dela Torre habang nakikipag-double date ang magaling na singer.


Sa video, naka-tag ang isang nagngangalang Ian Tantoco Umali na diumano'y ka-date ni Moira recently sa Antonio's Resto ('di lang namin masyadong narinig kung sa BGC ito).


Well, at least, good to hear na naka-recover na pala si Moira at mukhang in-open na uli ang puso para sa bagong pag-ibig.


Alam naman ng lahat ang naging pagpapaubaya niya sa mister na natukso sa ibang babae.


Pero siyempre, dapat ay mas maging maingat na si Moira this time dahil mahirap-masakit ang naloko ka na nu'ng una, may pumangalawa pa!


Aguuuuy! 'Wag muna nga tayong nega. Let them be happy!




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page