'Di na raw pang-love team… SIGAW NG NETIZENS: JOHN LLOYD, 'DI NA FRESH AT NAKAKALBO NA!
- BULGAR
- Jun 29, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 29, 2022

May bago raw project na gagawin si John Lloyd Cruz sa GMA-7.
Nakipag-meeting na umano si JLC kasama ang kanyang management team sa GMA executives.
Ayon naman sa mga netizens, sana ay matuloy na ang project ng Kapuso para kina JLC at Bea Alonzo. Overdue na raw at baka mabantilawan na at 'di na kagatin ng fans.
Espekulasyon naman ng ibang netizens, baka may ipapasok na ka-love team para sa aktor.
May mga naghihintay ding fans para sa Lloydie-Andrea Torres project.
Hindi na raw bagay sa aktor ang may love team, tapos na raw kasi ang era niya at 'di na siya ganu'n ka-fresh.
Sabi nga ng isang netizen, "Past his prime na siya, his looks also, 'di na puwede 'yan maayos, he looks really old, balding, 'di na siya bagay sa ganyan na love team, bagay sa kanya, mga challenging roles sa TV at movies, magaling naman siya."
True naman ang komento ng netizen.
Siguro nga, dapat nang ibigay na roles kay Lloydie ay 'yung much challenging at 'di na mga pa-cute na proyekto.
Puwede ring mga bida-kontrabida or mas heavy drama.
He's a versatile actor at carry niya kahit anumang role na kanyang gampanan.
May nagsa-suggest ngang sana raw ay Noli Me Tangere o Maria Clara at Ibarra ang kanyang gawin para maiba sa mga nagawa niya dati.
Well, bakit nga ba hindi?





Comments