top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

'Di na raw nag-audition, Marian… LIANNE, UMAMING KASALI SA SERYE DAHIL KAY DINGDONG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 16, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 16, 2023




Hindi lang ang GMA-7 ang pinasalamatan ni Lianne Valentin sa pagkakasama niya sa cast ng Royal Blood, todo-thank you rin siya kay Dingdong Dantes na lead actor sa nasabing murder mystery series.


Naniniwala si Lianne na may kinalaman ang Primetime King kung bakit siya napasama sa cast ng Royal Blood.


Kuwento ni Lianne, nang mag-guest siya sa Amazing Earth hosted by Dingdong, tinanong siya nito kung ano ang kanyang dream role at ang sagot niya ay gusto niyang mapasama sa isang murder mystery project.



Sabi naman ng Primetime King ay may upcoming series daw siya sa Kapuso Network at sana, makasama niya rito si Lianne.


“Ang Royal Blood na pala ang tinutukoy ni Kuya Dong. Nagulat at natuwa ako nang malamang kasama ako sa cast.


“Hindi na ako nag-audition sa role ni Beatrice na big challenge sa akin dahil opposite sa real me. Sosyal, mayaman at masungit ang karakter ko, ako naman ay bungisngis at bubbly. May pressure kaagad, pero nagagawa ko naman nang tama si Beatrice,” ayon kay Lianne.


First full primetime teleserye ito ni Lianne dahil nag-guest appearance lang siya sa Hearts On Ice.


Thankful din siya sa Apoy sa Langit at sa karakter niyang si Stella na sobra raw ang impact sa mga viewers. Hanggang ngayon daw ay may mga tumatawag pa rin sa kanya ng Stella.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page