'Di na raw makapaghintay… ARJO, ATAT NA ATAT NANG PAKASALAN SI MAINE
ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 27, 2023

Ayon sa isang panayam kay QC 1st District Representative Arjo Atayde, hindi na niya pinapansin ang isyung hindi mamatay-matay tungkol sa kanyang fiancée na si Maine Mendoza, na kesyo ikinasal na raw ito kay Alden Richards na ipinapakalat noon pa man ng AlDub Nation and diehard fans nina Alden at Maine.
Halos tatlong taon na ang relasyon nina Arjo at Maine kung saan nag-propose na rin ang actor-politician sa Eat… Bulaga! host last July 29, 2022.
"Wala na akong pakialam diyan. Ang dami kong problema sa District One, 'di ko na 'yan pinapansin. So much better things to do, and life is moving on," aniya sa marriage rumor ng AlDub.
"We're growing together, that's the most important thing to me," ani pa ni Arjo.
Inamin din niyang excited siya sa nalalapit nilang kasal ni Maine pero hindi siya nagbigay ng detalye.
"We want it to be personal, the wedding, pero definitely, we're getting married, I'm very excited. I can't wait to marry her.
"I think we're growing together. I'm enjoying the journey."
Wala naman daw nabago sa kanila ni Maine mula nang ma-engaged sila.
"I can't explain, eh. There's no perfect explanation to that. Every day is a different day with her.
"But definitely we're stuck together, and I am enjoying it."





Arjo Atayde No Hiwalay 💔💍 no Hindi ulo Arjo Atayde 🤮👹🤧❌🥴❌