top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Di na raw magdyodyowa ng taga-showbiz… SUNSHINE, AYAW NANG ISAPUBLIKO ANG RELASYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 17, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner |October 17, 2023


Nilinaw na ni Sunshine Cruz na wala silang romantic relationship ni Batangas Vice-Governor Marc Leviste, kaya ‘di rin true na pinagseselosan siya ni Kris Aquino.


Kung makikipagrelasyon o may relasyon man daw siya ngayon, ayaw na ni Sunshine na maging public item ang kanyang love life.


“Nasabi ko na ‘yan a few months ago nu’ng nag-presscon, na as much as possible, I’m 46 years old and I don’t want to talk about my personal life after nu’ng nangyari sa akin in the past,” paliwanag ni Sunshine.


Pakiusap pa niya, “So, bigay n’yo na lang sa akin. Ibalato n'yo po sa akin.”


But what if na isang celebrity din ang karelasyon ni Sunshine, parang ang hirap namang maitago sa publiko?


“Hindi naman ako kukuha ng celebrity,” matigas na tanggi ni Sunshine. “Ayoko na. I just want to focus now sa kids and uh, sa mga dogs ko. Ganoon naman po.”


But when asked kung posible na magkaroon siya ng boyfriend na isang politician, panahon lang daw ang nakakaalam.


“Naku! Ngayon talaga, hindi natin alam. Wala doon ang focus ko. But I’m not closing my doors na malay ninyo, after five years, ten years, we don’t know kung may dumating. But for now talaga, hindi ko hinihintay."


Nakausap namin si Sunshine pagkatapos ng Q&A sa mediacon ng hit teleserye na Unbreak My Heart sa Dolphy Theater ng ABS-CBN last Friday.


May five weeks pa ang mga viewers para patuloy na tutukan ang pasabog na ending ng Unbreak My Heart nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia and Joshua Garcia.


Ini-reveal ni Sunshine na supposed to be, guest lang siya sa Unbreak My Heart.


“Guest lang ako and I accepted it kasi sabi, sa Europe raw ang taping. So, sa akin, parang ‘Guest appearance lang. Bakit?’ Ganu’n pa ako nu’ng una.


“Pero tinanggap ko because I really wanted to work again with Jodi and Papa Chen (Richard Yap). Kasi nakatrabaho ko lang sila as guest sa Be Careful With My Heart.


“So, sabi ko, pambihira, guest na naman. Pero, hanggang sa pag-uwi ng Manila, uh, Dreamscape called in to me that I’ll be one of the regulars. So siyempre, blessing ‘yan and I’m very, very happy.”


Sa Milan, Italy kinunan ang mga eksena ni Sunshine at two weeks din daw siyang nag-stay doon. Maraming viewers ang Unbreak My Heart na bina-bash siya online.


Kuwento niya, “May nagagalit pero nagpapasalamat ako kay Christina Zhang. So, sa Twitter nga (X na ngayon), may magsasabi sa akin na uh, ‘Sunshine Cruz, we love you. But we really hate Christina Zhang.'


“So, nakakatuwa naman na at least, nadi-differentiate naman ng trabaho nu’ng character sa personal.


“Though, sa'n ko ba nabasa? Sa Facebook ata na parang, ‘Pampagulo ka lang sa JoChard. Umalis ka d’yan, Sunshine.’ May mga ganoon.


“Pero given naman ‘yun. Expected ko na. Ang akin, just as long as affected ‘yung mga tao, it means na tama ang ginagawa ko,” ngiti ni Sunshine.


Huwag palalampasin ang Unbreak My Heart sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies at 9:35 PM, 11:25 PM sa GTV, GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.


Available rin ang serye sa GMA Pinoy TV at TFC.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page