top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Di na raw magbabago… CARLO, KAHIHIWALAY LANG SA NANAY NG ANAK, MAY IBANG BABAE NA AGAD

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 30, 2022




On the rocks nga ba ang pagsasama ng live-in partners na sina Carlo Aquino at modelong si Trina Candaza?


Base kasi sa Facebook post ng ina ng anak ni Carlo na si Baby Mithi nitong Biyernes ay tinukoy ni Trina na may ibang babaeng dinadalaw ang aktor at sinabing hindi na ito magbabago.


“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya 'pag wala ka na sa kanya.


“Kung may pinupuntahan na agad na babae…


“'Wag na kayo umasang magbabago pa ‘yung jowa n'yo na sakit sa ulo, hindi na 'yan magbabago.”


Bago pa ito ipinost ni Trina nitong Biyernes ay may mga cryptic posts na siya sa kanyang Instagram account tulad noong Enero 16 na larawan ng anak habang nakatingin sa labas ng bintana na natatakpan ng kurtina.


“You’ll grow beautifully in your own way – Dhiman.”


At dito na napansin ng mga netizens na may pinagdaraanan sina Carlo at Trina dahil wala silang post na magkasama nilang isinelebra ang Pasko at Bagong Taon.


Say ni @titarara0217, “Wala din silang picture ng X'mas and New Year.”


Huling post na magkasama ang dalawa ay noong Nobyembre 28 at January 13 para sa sponsored post ng isang produkto.


Noong Enero 19 ay may post ulit si Trina ng, “Little by little, day by day, what is meant for you will find its way.”


At kamakailan ay muling nag-post ang dalaga ng larawan niya with caption: “Selfie after weerk (work).”


Nag-react na ang netizen na si @bingaf, “Sayang sila ni Carlo if wala na (emoji crying).”


Say naman ni @ericka0000001, “God bless you, Trina! Mag-focus ka sa anak mo. Hayaan mo na 'yung bansot na 'yun. Know your worth. Hindi ka ang nawalan kundi siya:).”


Tungkol naman kay Carlo ay hindi siya naka-tag sa mga posts ng partner niya at gayun din siya sa mga posts niya sa kanyang IG account na @joseliwanag na tunay niyang pangalan.


May larawan ang aktor na nakasandal sa iba’t ibang posters na nilagyan niya ng caption na, “Slow down.”


May netizen ang nagtanong ng, “Where is Lena, Jordan? Mula kay @itslugenasyndel."

Si Lena ay karakter ni Erich Gonzales at si Carlo naman si Jordan sa iWantTFC series na La Vida Lena na magtatapos na sa Pebrero 4.


May hawak na kape na nasa paper cup ang ipinost ni Carlo. “Silence and coffee. Silence and coffee,” caption niya rito.


Sinabihan siya ng netizen na si @ericka0000001, “Magbago ka na, Carlo. 'Wag mong hayaang masira ang pamilyang binuo mo. :) Alam kong napakadaming magandang babae sa mundo pero may MAS GAGANDA PA BA SA MAG-INA MO? Think and reflect. God bless you!:)”


Say naman ni @honeytaz888, “Totoo kaya ang post ng asawa niya?! Naku po, kapag panay ka nang panay na ganyan, baka sakit na 'yan… (napanood ko lang sa isang movie).”


At ang payo ni @itslugenasyndel, “Carlo, balik ka na kay Trina. Mas guwapo ka tingnan if buo family mo.”


May haka-haka na baka itinuloy nina Lena at Jordan ang kanilang pagmamahalan off-cam.


Sa binanggit ni Trina na may ibang babaeng pinupuntahan ang jowa niya, posible kayang si Erich iyon bilang si Lena?


Bukas ang BULGAR sa panig nina Carlo, Trina at Erich.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page