top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Di na raw kailangan ng datung… VICE, MAS GUSTO NA LANG KASAMA SI ION KESA MAG-WORK

BULGAR
Jun 21, 2022
3 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 21, 2022



Aminado si Vice Ganda na nandito na siya sa punto ng buhay niya na settled na siya at masayang-masaya sa kanyang buhay kapiling ang asawang si Ion Perez.


“Nandu’n ako sa point ng life ko na parang settled na ‘ko talaga. Okay na ako sa maraming nangyayari sa paligid ko at sa buhay ko. Gusto ko na lang siyang i-maintain,” pahayag ni Vice Ganda sa panayam sa kanya ni Kaladkaren sa YouTube vlog nito.


Natanong kasi ang Unkabogable Star kung ano raw ang kanilang future plans ni Ion ngayong happily married na sila at kung gusto rin ba nilang magkaanak.


“Seriously, plans? Big plans? Wala. Nagko-concentrate ako sa araw-araw. I want to make sure that today, masaya siya, masaya ‘ko. I want to make sure na today, may ginagawa siyang nagpapasaya sa kanya.


“Ako rin, I want to make sure na today, okay kami hanggang matapos ‘yung gabi. Tapos, bukas ulit,” sey ni Vice Ganda.


Sey pa niya, “Okay na ako sa ganitong takbo ng buhay. ‘Yung wala kaming hinahanap, wala kaming gusto pa. ‘Yung dapat ganito pa, ganito pa. Okay na ako. Gusto ko na lang ng kalmang buhay. ‘Yun na lang.


“'Yun na lang ang ipinapanalangin namin. Gusto ko, kalma ulit bukas, tapos, wala kaming sakit.


"Pero 'yung mga planong dapat ganito ang mangyari, dapat ganito ang ma-achieve, wala.”

Dito nabanggit ni Vice na ito ang dahilan kung bakit tinanggihan na niya ang maging judge ulit ng season 2 ng Idol Philippines.


“Ine-enjoy ko ‘tong bahay ko, ine-enjoy ko si Ion, ine-enjoy ko ‘yung sarili ko, ‘yung pamilya ko, ‘yung karera ko na matagal ko nang ipinanalangin, ‘yung kinikita ko ngayon.


“Kaya nga 'pag tinanong ‘Gagawa ka ba ng movie?’ Para saan? 'Di ba? ‘Bakit ‘di mo ginawa ang Idol Philippines?’ Para saan? ‘Yun ang tanong ko na ‘Para saan? Ba’t ko gagawin ‘yung Idol Philippines?’


“'Pag nagawa ko ‘yung Idol Philippines, mangangarag na naman ako, mababawasan kami ng oras ni Ion.


“Para dagdag-kita? 'Di ba? Para ano, mas popular? Para saan?” ani Vice.


Tungkol naman sa pagkakaroon ng sariling anak, aniya ay hindi dapat madaliin ang bagay na ito dahil hindi sapat na may pera ka sa pagpapalaki ng baby.


“There was a point din also na naisip ko ang pagbe-baby. Pero sabi ko talaga, ‘Mahirap, eh.’ Hindi sapat na may pera ka lang, hindi. So, ‘yung utak ko, hindi ko alam kung ready ‘yung utak ko kaya sabi ko, ‘Ay, i-park na muna natin ‘yan.’ Hindi ‘yan minamadali, 'di ba?


“Kung mangyayari, mangyayari. Pero ngayon, enjoy ko muna si Ion,” she said.


Natanong din ni Kaladkaren si Vice kung hindi ba siya natatakot na ipagpalit ni Ion sa isang babae at ayon sa TV host-comedian ay hindi naman daw.


“Alam mo kung ba’t hindi ako natatakot? Kasi, hindi ko naman siya iniisip. Hindi ko siya ine-entertain, ‘yung thought. Pangalawa, hindi ‘yun ipinaparamdam sa akin ni Ion,” aniya.


“At saka, hindi ako masyadong naggugugol ng oras sa pag-iisip ng puwedeng maging problema na hindi pa nangyayari. Mas gusto kong mag-dwell sa masaya, sa now.


“Ano ba ‘yung ‘now’ namin? Ang ‘now’ namin, masaya kami, wala kaming problema.


“Hindi perfect ang relasyon namin. Nagkakabuwisitan kami, nagkakatampuhan, pero hindi kami nag-aaway. Tapos, walang threat sa pagsasama namin, hindi namin nararamdaman ‘yun,” dagdag pa ni Vice.


Saka na raw niya poproblemahin ang bagay na ito kapag nangyari na.


“If it happens, eh, di it happens. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin. Kung mabaliw ako, eh, di mabaliw. Kung humagulgol ako, humagulgol, 'di ba? Kung mangaladkad ako ng babae, eh, di mangyari.


“Pero ngayon, bakit ko poproblemahin ‘yun?”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page