top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

‘Di na raw kailangan, Direk Darryl… BOY, PINALAGAN ANG PAGMA-MAHJONG NI TITA CORY SA MOVIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 8, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 8, 2022


Ilang beses nag-trending ang King of Talk na si Boy Abunda sa Twitter this week. May kinalaman ang kanyang interbyu sa direktor na si Darryl Yap sa kanyang YouTube channel, ang The Boy Abunda Talk Channel.


Tinuligsa si Kuya Boy ng mga netizens dahil feeling nila ay pumapabor ang award-winning host sa paglalahad ni Direk Darryl ng maling impormasyon sa publiko tungkol sa kuwento ng mga Marcos, specifically sa nalalabing 72 oras nila sa Malacañang sa pelikulang Maid in Malacañang.


At higit d’yan ay ang pagsama sa pelikula kay dating Presidente Corazon Aquino na nagma-mahjong kasama ang ilang madre.


Umabot na sa mahigit 500K ang views ng interbyu ni Kuya Boy kay Direk Darryl.


Prior to Direk Darryl, nainterbyu rin ni Kuya Boy ang Presidential Sister na si Imee Marcos sa kanyang The Interviewer Presents na ang paksa ay tungkol din sa Maid in Malacañang.


In fairness kay Kuya Boy, never siyang nag-react sa mga bashers niya.


At ayon sa aming source, pareho pala niyang pinanood ang Maid in Malacañang at ang kasabay nito na may tema tungkol sa Martial Law, ang Katips ni Vince Tañada.


Nag-movie marathon daw si Kuya Boy nu’ng opening day ng magkabanggang pelikula sa sinehan.


Gaya ng marami, hindi rin daw nagustuhan ni Kuya Boy ang eksenang nagma-mahjong si Pres. Cory kasama ang mga madre.


Hindi na lang daw sana isinama ang portion na ‘yun sa Maid in Malacañang. Tatayo naman daw ang pelikula without that scene.


And another thing, in fairness, naniniwala raw si Kuya Boy na ‘di deserved ni Pres. Cory ang paglalarawan sa kanya sa MIM.


Samantala, nakatakda rin daw interbyuhin ni Kuya Boy para sa kanyang The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube ang very outspoken sa pagkontra sa pelikulang MIM at dating aktibista na si Direk Joel Lamangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page