'Di na raw bata, 25 na kaya nagpa-sexy… JULIA, WA' NA PAKI KUNG TANGGAPIN NG FANS O HINDI
- BULGAR
- Sep 2, 2022
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 2, 2022

Mukhang na-miss ni Julia Barretto ang um-attend sa face-to-face presscon kaya in the mood ito nang humarap sa mga entertainment editors sa presscon ng movie niyang Expensive Candy na ginanap sa Botejyu Resto sa Estancia Pasig nu'ng Miyerkules nang hapon.
Kasamang humarap ni Julia at sumagot sa tanong ng mga press people si Direk Jason Paul Laxamana, ang direktor ng Vivamax movie na first team-up nina Julia at Carlo Aquino.
Since daring ang role ni Julia sa Expensive Candy bilang prostitute, natanong namin ang aktres kung paano niya inihanda ang kanyang loved ones (that includes her family and si Gerald Anderson na rin siyempre, 'no!) sa mga sexy scenes niya rito with Carlo.
"I don't know what to tell them," bungad ni Julia na natawa.
Pero nabasa naman daw ng Mommy Marjorie niya ang script kaya aware ito sa mga ginawa niya sa movie. Ang mga kapatid naman daw niya ay walang alam, so magugulat na lang ang mga ito tulad din ng kanyang mga fans sa mapapanood nila sa Expensive Candy.
Natanong nga rin namin si Julia kung kinonsidera ba niya ang magiging reaksiyon ng kanyang mga fans dahil ang ilan sa kanila, hindi pa sanay na makita si Juls sa sexy movie.
Sagot niya, "Obviously, people will be shocked pero hindi na siya naging factor sa decision making. It was really more you know, professionally and work wise, this is really something I felt I was ready to take on."
At her age — 25 na rin pala si Julia, ha, although mukha pa rin siyang younger — tama lang naman daw na magpa-sexy na siya kaya kahit si Direk Jason ay hindi na nahirapang bigyan ng sexy scenes si Julia lalo't kilala niya ang kalibre nito bilang aktres.
After Maid in Malacañang, ang Expensive Candy ang next Vivamax movie na ipapalabas sa mga sinehan sa Sept. 14.
Of course happy si Julia dahil sa big screen nga mapapanood ang movie nila ni Carlo Aquino.
Well, let's see kung kayanin nga kaya ni Julia na magdala ng movie without a love team ngayong siya ang bidang-bida sa Expensive Candy.





Comments