‘Di na raw artista ang kukuning BF, Dominic… PRAMIS NI BEA: ‘DI NA AKO MAGPAPALOKO!
- BULGAR

- Mar 15, 2021
- 1 min read
Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 15, 2021

Kahit isang taon na ang pandemic at hindi pa normal ang sitwasyon sa showbiz, isa si Bea Alonzo sa mga artistang hindi nagpa-panic at nakakaranas ng matinding depression. May naipundar na kasi siyang sariling bahay at mga sasakyan at bukod sa negosyo ay may pera siyang naipon sa bangko.
Tuluy-tuloy pa rin ang kanyang mga product endorsements at may mga offers mula sa malalaking movie outfits.
Una niyang gagawin ay ang A Moment To Remember kapareha si Alden Richards na joint venture ng Viva Films, GMA Films at APT Entertainment.
Bankable star si Bea kaya malaki ang kinita niya sa kanyang mga ginawang pelikula.
Dahil dito ay nakabili siya ng 11-hectare farm sa Zambales kung saan ang kanyang mom ang nag-aasikaso at namamahala.
May mga tanim silang mangga atbp. fruit bearing trees. May mga alaga rin silang baka, baboy, manok, kambing, atbp..
Nagpagawa rin siya rito ng bahay para sa kanyang mommy at may club house pa para sa mga events.
Naging segurista sa buhay si Bea at napaghandaan na niya ang future ng kanyang pamilya. Masayang love life na lang ang kulang sa kanya ngayon.
Marami siyang natutunang leksiyon sa mga pinagdaanang kabiguan sa pag-ibig kaya pramis niya sa sarili ay magiging segurista na rin at hindi na magpapaloko.
At upang hindi na muling masaktan, pipili na raw siya ng lalaking hindi taga-showbiz na kanyang mamahalin.





Comments